Chapter 38

91 3 2
                                    

Haruko POV

Pagkatapos naming magmumuni Muni ni Rukawa ay nagbalik na kami sa school. Tinanong nina Fuji at Matsui Kung anong nangyari sa akin pero nagdahilan nalang ako para Wala ng gulo.

"Andito na ako!", bungad ko sa Amin pagbukas ko ng pinto. Nakita ko pa si mama at papa nag uusap sa salas.

"O anak, Anjan ka na Pala!", sambit ni Papa habang si mama naman ay medyo galit Ang Mukha.

"Ma?", takang tanong ko sa kanya.

"Ba't di ka raw pumasok kanina? Ano to, ayaw mo na ba mag aral?!", galit na sambit ni mama.

"Honey, huwag mo naman pagtaasan ng boses si Haruko. Baka may reason siya Kung bakit.", sabat naman ni Papa ma pinapakalma si mama.

"Huwag mo ngang konsintihin yang anak mo!", sagot naman ni mama Kay papa.

"Ma, huwag na po kayong mag away. Sorry po. Sorry Kung Hindi ako pumasok kanina.", iyak Kong Sabi.

"Kung Hindi tumawag si Fuji rito. Hindi ko malalaman. Anong bang dahilan mo.", seryosong sambit pa ni mama.

"Ma Kasi.....", putol Kong sagot.

"Ano, anak. Sige na sabihin mo na. Nag aalala kami sayo kanina.", sabat naman ni Papa.

Nag aalangan pa akong magsalita pero pinilit nila ako kaya naikwento ko Ang buong pangyayari.

"Nagseselos siya dahil Ikaw Ang niligawan ni Rukawa. Tama ba pagkakarinig ko anak?", tanong ni Papa na tinanguan ko naman.

"Hayaan mo na anak. Nandito lang kami ng Papa mo sa tabi mo.", malumanay na Sabi ni mama Saka ako niyakap bigla naman akong umiyak.

"Salamat mama", bulong ko pa.

Dumaan Ang mga Araw na Hindi na kami nagpapansinan ni Yumi. Hindi ko narin ikinukwento Kay Fuji at Matsui Ang nangyari Buti nalang Hindi na nila ako tinatanong.

Habang sa paglipas ng Araw, Wala namang masyadong ganap sa Buhay ko. Ganoon pa Rin, nag uusap kami ni Rukawa, nanunuod ako ng practice game nila kada hapon, nag uupdate Rin Ang ibang team sa gagawing swimming outing namin sa sabado at katext ko naman si Sendoh.

"Nga Pala mga anak, pupunta Tayo bukas sa Lola niyo.", pahayag ni Papa habang kumakain kami ng almusal.

"Ha?", sabay naman naming sagot ni Kuya.

"Anong ha! Hindi niyo ba ako narinig? Bisita Tayo sa Lola niyo dahil kaarawan na nito sa linggo.", sagot naman ni Papa.

Pagkarinig ko Kay papa agad Kong binalingan si Kuya.

"Kuya? Paano Yung outing natin? Bukas na yun diba?", tanong ko sa kanya.

"May outing kayo bukas?", tanong naman ni Mama na narinig Ang sinabi ko.

"Opo ma.", ikli Kong sagot.

"Sila nalang kamo mag outing Saka pwede naman sigurong sa susunod nalang na linggo Tayo lumabas Kasama sila.", sagot naman ni Kuya.

"Yayain niyo nalang din sila na Doon na mag outing total may beach naman doon.", Sabi naman ni Papa.

"Susubukan ko po pa.", sagot naman ni Kuya Saka lang kami nagpaalam na para pumasok na sa school.

"Hoy Haruko! Balita ko may outing ata kayo bukas Kasama Ang Kainan, Shoyo at Ryonan. Totoo ba?", tanong ni Fuji habang paupo ako sa pwesto ko. Narinig naman iyon ni Yumi.

Paano niya kaya nalaman?

"Paano mo naman nalaman?", taka Kong tanong.

"Kanino pa! Edi Kay Mito. Nasabi Kasi sa kanya ni Sakuragi.", sagot naman niya.

Haruko Akagi Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon