Chapter 72

67 5 6
                                    

Haruko POV

"Susunduin Kita Mamaya huh, babe!", huling sambit ni Sendoh bago siya umalis pagkahatid sa akin sa classroom ko. Tanging tango lang Ang naisagot ko at kumaway sa papalayong Sendoh.

"Babe?!!!", nang aasar na wika ng mga kaibigan ko.

"Nakamove on na talaga Ang friend namin!", ani naman ni Fuji.

"Talaga bang Wala ng Rukawa Jan sa puso mo?", dagdag pa nito.

"Hindi naman mawawala si Rukawa sa puso ko eh... First love ko yun. May bahagi parin na para sa kanya pero bilang kaibigan na Lang siguro.", Sagot ko naman.

"Anong siguro! Dapat siguraduhin mo Yan. Paano nalang Haruko kapag bumalik na lang siya Bigla at aakitin ka.", ani naman niya.

"At biglang bibigay Karin!", Sabay pa na sambit ng dalawa.

"Ano ba kayo! May Asawa na siya at kasal na siya. Lahat ng nararamdaman ko sa kanya ay ibinaon ko na sa lupa. Past is past Ika nga.", sagot ko naman.

"Well, sabagay Tama ka nga naman. May Asawa na siya. Pero Haruko dapat sinunog mo nalang Yung nararamdaman mo Kaysa ibaon sa lupa.", Ani pa nila.

"Huh? Bakit? Hindi ko maintindihan?", takang Tanong ko sa pinagsasabi ng dalawa.

"Kasi pagnasunog na yang nararamdaman mo magiging ash tapos ililipad ng hangin. Means di mo na maibabalik. Kumpara sa ibinaon mo lang. Ehh di pwede mo pang hukayin Yun hahhaha. ", tawang Sagot nila.

"Ang corny niyo!", Sagot ko naman Saka nagpatuloy sa pagrereview.

Maaga namang natapos Ang klase namin kaya naisipan ko munang magtungo ng gym at Doon nalang magpalipas ng oras habang inaantay ko si Sendoh.

"Ano bang meron?", nakakunot Ang noo ko nang Makita Ang team na nagkukumpulan.

Bumilis Ang lakad ko patungo sa kanila at hinawi si Sakuragi na nakaharang upang makapasok sa loob.

"Ano bang meron?", agad Kong sambit .

Bigla namang tumingin Ang lahat sa akin at Lalo na Ang nakatalikod na lalaki na nasa harapan ko.

Napatulala ako sa kanya at biglang bumilis Ang pintig ng aking puso ng siya ay ngumiti.

"Hi, Haruko.", malambing na Bati niya sa akin.

Nakatulala lang Ako ni Hindi kayang bumuka Ang bibig sa pagkagulat ko. Lahat sila ay nag aantay sa magiging Sagot ko pero Hindi talaga.

"So, Rukawa. Dito ka na for good?", pambabasag ni Ate Ayako.

"Ou. For good.", Sagot naman niya habang nakatitig parin sa akin.

"Eh paano Ang Asawa mo? Paano si Nikki? Kasama mo Rin ba siya?", rinig ko namang tanong ni Mitsui..

Hindi ko alam pero kinakabahan Ako sa magiging Sagot niya. Ewan ko ba. Akala ko Kasi Wala na at tanggap ko na namay Asawa na  siya pero kinain ko lahat ng nasabi ko sa kaibigan ko. Meron pa, may pagmamahal parin sa puso ko na si Rukawa lang Ang laman.

"Hmmm..Paano ko ba sasabihin sa Inyo to.", panimula ni Rukawa habang sa akin siya nakatingin.

Ako naman ay Hindi kayang pakinggan Ang magiging Sagot niya ay agad akong tumalikod at hahakbang na sana nang hawakan niya Ang aking braso. Kaya bigla akong napalingon sa kanya.

"Sandali lang Haruko, pakinggan mo Muna Ang Sagot ko sa tanong ni Mitsui.", Sambit niya habang hawak hawak Ang aking braso.

"Hindi ko Kasama si Nikki at Hindi ko siya Asawa.....Hindi na tuloy Ang kasal namin at lalong Hindi ko siya minahal dahil nag iisa ka lang sa puso ko, Haruko.", salaysay ni Rukawa na ikinagulat ng lahat pati na ako.

"Pero bakit?", rinig Kong tanong nila habang ako ay Hindi na alam Ang aking nararamdaman kaya agad Kong winaksi ang kanyang kamay at kumaripas ng takbo.

Tuloy-tuloy Ang takbo habang Hindi nakatingin sa daan ay bigla naman na may nabunggo ako.

"Babe!", ani niya kaya napataas Ang aking tingin.

"Sendoh.", bigla ko namang sambit.

"Okay ka lang ba? May humahabol ba Sayo? May nang bully ba?", agad niyang tanong sa akin.

"Wala. Ou ok lang Ako....", sagot ko naman.

"Tara na kanina pa Kita inaantay.", dagdag ko naman at kinuha Ang kamay niya at lumakad ng pagkabilis bilis.

"Teka nga Haruko.", sambit niya nagpatigil sa paglalakad namin dahil hatk hatak ko siya.

"May problema ba?", taka niyang tanong.

"Nagugutom ako.", maikli Kong sambit habang nasisilayan ko Ang pagngiti nito.

"Gutom ka lang Pala eh...pero Kung makahatak ka naman sa akin.", ngiti pa niyang sambit. Kaya agad akong nagsorry sa ginawa ko.

Isang halik naman sa noo Ang isinagot ni Sendoh sabay yakap sa akin.

"Babe, Saan mo gustong Kumain?", agarang Tanong naman niya.

"Kahit Saan babe.", maikling Sagot ko naman.

Sendoh POV

Pagkatapos ng klase ay nagpaalam Muna ako sa mga kateammates ko na susunduin si Haruko bago bumalik ng practice. Sa una ay ayaw nilang pumayag Buti nalang to the rescue agad si Fukuda kaya napatango Rin sila.

Palapit palang ako ng school nila nang marinig ko Ang ugong ugong ng mga babaeng kumaripas ng takbo...

"Si Rukawa!!! NASA gym..", sigaw ng Isang babae sa Kasama niya.

"Tama bang marinig ko? Si Rukawa ay nagbalik na?!!!", bulong ko sa Sarili habang patuloy na tinatahak Ang daanan papunta ng gym.

Nakita ko si Haruko na kumaripas ng takbo galing ng gym..Hindi niya ako namalayan at bigla niya akong nabunggo.

Nang dumating kami sa restaurant ay tinititigan ko lang siya habang nakangiti.

"May dumi ba sa Mukha ko, babe?", Agarang Tanong niya nang mapansin Ang pagtitig ko.

"Wala naman..babe...Masaya lang ako.", sagot ko naman.

Kinuha ko Ang kanyang kamay at simula Kong halika ito. Hindi naman siya tumanggi.

"Masaya akong nagging akin ka...at akin ka lang!!!", pagdidiin ko pa.

Nagkatitigan lang kami nang mga sandaling iyon.

Bigla namang dumating Ang pagkain namin na nanging dahilan ng pag udlot sa balak Kong halika siya.

"Kain na Tayo.!", masayang sambit niya habang agad na sumubo nang sumubo na tila ba ay gutom na gutom.

"Dahan-dahan ka lang baka mabulunan ka.", pag aawat ko sa kanya.

"Kanina pa Kasi ako nagugutom.", sagot niya habang may lamang pa Ang bibig.

Bigla namang nagtilian sa loob ng restaurant na ikinahinto namin at saka naming tinanaw Kung sino itong taong pinagkakaguluhan.

"Si Sakuragi? pinagtitilian ng mga babae?", taka Kong sambit...

"Hahha akalain mo Yun babe, sobrang napaka popular na niya!", tawa ko pang sambit.

Wala man lang sagot si Haruko sa pinagsasabi ko kaya agad ko siyang pinansin.

"Haruko?!", tawag ko.

"Huh?! Ano yum?", taka niyang sagot.

"Parang Wala akong Kasama eh., Hindi ka naman nakikinig sa sinasabi ko.", ani ko naman.

"Sorry.", maikling sagot niya.

Lalong lumakas Ang tilian sa loob at napatingin kaming dalawa sa taong may kagagawan nito.

"Rukawa.", tanging nasambit ko nang Makita siya bigla ko namang tiningnan si Haruko na kasalukuyan ring nakatitig Kay Rukawa.






Haruko Akagi Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon