Chapter 62

38 4 2
                                    

Third Person POV

Nagkayayaan na Ang team na umuwi nang matapos Ang kanilang practice game. Nauna na Sina Fukatsu at Eiji. Sumunod naman Ang iba maliban Kay Sendoh. Nauna narin Sina Ayako at Shan. Si Takenori naman ay nauna dahil may pag uusapan pa sila ni Coach Anzai at iba pang coach Kasama si Uozumi at Maki.

"Haruko, Hindi ka pa ba uuwi?", untag ni Kogure.

"Tatapusin ko lang po tong pagliligpit.", sagot naman ni Haruko.

Tumango naman ito saka niya binalingan si Sendoh na kasalukuyang nakaupo lamang. "Ikaw, Sendoh?", tanong naman nito.

"Maya Maya.", tipid na sagot nito. Saka lang ito nagpaalam na sa dalawa.

Maya Maya pay natapos na ni Haruko Ang kanyang ginagawa at nagpasya ng umuwi.

Hindi pa ba siya uuwi?---tanong ni Haruko sa isipan nang Makita si Sendoh na nakaupo parin. Hindi na Lang niya tinanong bagkus ay kinuha na niya Ang gamit niya at aktong maglalakad na sana.

"Uuwi ka na ba?", biglang tanong ni Sendoh na nakapagpigil Kay Haruko.

"Ou.", tipid niyang sagot.

"Ihatid na Kita.", sambit naman ni Sendoh.

"Huh?!....huwag na. Kaya ko naman mag Isa eh.", sagot naman ni Haruko.

"Hatid na Kita!", sambit ulit ni Sendoh Saka siya tumayo at kinuha pa Ang bag ni Haruko para bitbitin ayaw pang ibigay ni Haruko pero mas nanaig si Sendoh kaya walang nagawa ito.

Katahimikan lang Ang bumabalot sa dalawa nang biglang may batang sumalabong sa kanila.

"Kuya Sendoh!", tawag nito.

"Hatashi.", tawag din ni Sendoh Bago sila nagkayakapan.

"Kuya kamusta ka na?", tanong naman ng Bata.

"Okay lang din naman ako.", ngiting sagot ni Sendoh.

"Babaero na ngayon kuya ah...hahaha.", tawang sambit naman ng Bata na ikinataka ni Haruko.

"Babaero ba kuya Sendoh mo?", biglang tanong ni Haruko.

"Opo.", tango nitong sagot.

"Nakita mo ba siyang Maraming babaeng Kasama?", tanong pa ni Haruko na medyo naintriga na.

"Opo.", ngiti namang sagot ng Bata Saka tumingin Kay Sendoh. Tiningnan naman ni Sendoh si Haruko na kasalukuyang nakakunot Ang noo at halatang marami pang gustong itanong sa Bata kaya sumingit siya sa dalawa.

"Gusto mo bang Kumain?", singit naman ni Sendoh.

"Opo. Gustong gusto.", masiglang sagot ng Bata. Saka naman binulungan ni Sendoh si Haruko.

"Kain Muna Tayo? Okay lang ba?", bulong ni Sendoh na kasalukuyang nakatitig sa kanya si Haruko. "at Hindi ako babaero.", ngiting dagdag pa nito.

"Teka Hatashi, ilang babae na ba Ang Nakita mong Kasama ng kuya Sendoh mo?", panimulang tanong ni Haruko habang kasalukuyang silang kumakain sa Isang restaurant.

"Mga tatlo lang po.", magalang na sagot ng Bata habang ngumunguya. "Hinalikan pa nga siya Nung babae kahapon eh", dagdag pa nito.

Bigla namang napainom ng tubig si Sendoh sa sinabi ng Bata.

"Abah Sendoh, nakatatlo ka na Pala. Hindi ko alam Yun ah..", Komento naman ni Haruko.

"Hindi totoo Yun!", biglang sambit ni Sendoh.

"Nakita kita kuya kahapon.", giit na sagot naman ng Bata.

"Kilala mo ba Yung Nakita mo kahapon, Hatashi?", malumanay pero buo na tanong ni Haruko.

Haruko Akagi Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon