Chapter 59

64 7 4
                                    

Rukawa POV

Gunggong pa Rin talaga si Sakuragi eh. --bulong ko nang makausap siya saglit.

Nakita ko Ang team na Masaya kaya namiss ko din Pala sila. Isa Isa naman silang nangumusta, Ang ipinagtaka ko lang ay bakit wala si Sendoh kaya biglang kinabahan ako baka Kasi dumidiskarte na ito sa nobya ko.

Kaya agad ko tinanong si Mitsui at tinawag naman niya upang ibigay Ang phone ni Haruko.

"Hey.", panimula niya.

"Kamusta? Balita ko umaaligid aligid ka na naman sa girlfriend ko.", diretsa Kung sambit Kaso Ngumiti lang ito.

"Huwag Kang mag aalala, Rukawa. Hindi ko naman sasaktan si Haruko eh.", ngising sagot nito na ikinapintig ng tenga ko.

"Umayos ka Sendoh. Baka makauwi ako Jan na Wala sa oras at sapakin kita.", Galit Kong sagot at Tiningnan ko siya ng matalim.

"Hahhaha...nakakamiss ka Rin Pala asarin.", tawang sagot naman nito.

"Umayos ka.", giit ko namang sambit.

"Wala ka bang tiwala sa akin?.nakapili na si Haruko at ikaw Yun.", seryoso niyang Sabi.

"Wala akong tiwala Sayo.", sagot ko naman.

"Kay Haruko ka magtiwala, Rukawa. Alam ko naman na mahal na mahal ka nun.", seryosong sambit pa nito.

"Mahal Karin naman ni Haruko Kaso nangingibabaw parin Ang pagmamahal niya para sa akin Kay tigilan mo na girlfriend ko.", seryosong sagot ko naman.

"Huwag mo nang ipamukha sa akin na ikaw Ang pinili niya dahil alam ko na Yun.", sagot naman nito.

"So bakit ka dumalaw nang napakaaga sa kanya?", biglang tanong ko naman na ilang Araw ko ring dinadala at pinagtataka.

"Mahabang istorya.", tanging sagot nito

"Mahaba pa Ang oras ko para pakinggan Ang dahilan mo. Alam ko naman na may dahilan ka Kung bakit Napadalaw sa kanya. Ready na akong makinig.", pahayag ko naman.

"Namiss ko Kasi siya kaya ko siya binisita.", sagot naman nito.

"Nambubwesit ka ba talaga?", pigil Kong Galit.

"Ayoko Kasi ng napaseryosong usapan eh.", sagot naman nito. "To make it short nalang. Nag aalala ako Kay Haruko dahil masama Ang panaginip ko sa kanya.", dagdag pa nito.

"Yun lang ba talaga?", Paninigurado ko pa.

"Ou.", tipid nitong sagot.

"Binabalaan Kita Sendoh, Kahit na malayo ako may mga mata akong nakaaligid at nakabantay sa girlfriend ko.Oras na may ginawa Kang masama...naku baka pagsisisihan mo.", pagbabanta ko sa kanya.

Labag man sa kalooban ko ay nasabi ko iyon. Dahil takot lang naman akong mawala si Haruko sa Buhay ko. Alam ko Kasi Kahit na ako Ang pinili niya eh may bahagi parin sa puso ni Haruko na laman lang ay para Kay Sendoh.

Napasmirk siya sa sinabi ko kaya bumawi Rin ito kaagad.

"Ito lang masasabi ko. Nirerespeto ko Ang desisiyon ni Haruko at tinanggap ko Kahit masakit. Pero oras na sasaktan mo siya, ako makakalaban mo.", seryoso niyang sagot.

Minsan ko lang Makitang seryoso Ang mukha ni Sendoh maliban sa paglalaro ng basketball.

Napansin ko nalang na pinatay niya Ang phone kaya napangiti ako sa Turan niya.

Tumawag ulit ako Kay Haruko para makausap siya. Naging maayos naman Ang relasyon namin salamat sa advise ni Mama.

Pagkatapos naming mag usap ni Haruko ay nagpunta ako sa kusina upang kumuha ng maiinom.

Haruko Akagi Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon