Chapter 25

110 0 1
                                    

Sa ikalawang Araw ng practice game unang naglaban Ang Ryonan at Shoyo. Dahil sa suportang ibinigay ni Haruko Kay Sendoh, nanalo Ang Ryonan.

Samantala sa second game naman ay naglaban Ang Kainan at Shohoku. Todo sigaw Sina Ayako at Haruko para suportahan Ang team Kaso sobrang lakas ng Kainan lalo na si Maki kaya natalo nila Ang Shohoku na lamang lang ng Isang puntos Ang Kainan.

Sa huling Araw ng practice game ay ginanap Ang laro sa Ryonan High School gym.

Sunod-sunod namang dumating Ang mga bus ng tatlong team. Pagkababa ay nagpunta muna sila sa kanya kanyang room na ibinahagi sa kanila.

Haruko POV

"Magkatatapat na si Rukawa at Sendoh!", bulong ni Ayako sa akin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Magkatatapat na si Rukawa at Sendoh!", bulong ni Ayako sa akin.

"Sana walang mangyari!", sagot ko naman.

"Rukawa, pinaalala ko sayo! Maging professional ka sa loob ng court! Tandaan mo yan!", sambit ni Kuya Kay Rukawa.

"Opo Captain!", sagot naman niya.

"Alalahin mo Ang maramramdam ni Haruko, Rukawa pag may away na namang mamagitan sa inyo ni Sendoh!", sabat naman ni Kogure.

"Ou alam ko yun!"sagot niya Saka ako tiningnan.

"Rukawa, galingan mo at galingan niyo rin team!", tanging nasambit ko.

"Mag ayos na kayo para makapunta na nang gym!", Sabi naman ni Kuya.

"Mauna na muna kayo doon, aayusin lang namin to ni Haruko Dito!", sagot naman ni Ayako Saka umalis na sila.

"Baka kailangan niyo ng tulong?", tanong naman ni Rukawa.

"Aysus, ayaw mo lang iwan si Haruko eh!", sagot naman ni Ayako.

"Ayako talaga!", Sabi ko naman.

"Sige na Rukawa, susunod kami!", dagdag ko pa Saka siya lumakad din.

"Ayako, Wala Pala Dito Yung tubig!", sambit ko nang diko mahanap yun lalagyan.

"Naku! Kailangan nating bumili ngayon!", sagot naman nito.

"Ako na Lang Ang bibili baka Meron diyan sa canteen.", Sabi ko.

"Sige.", tipid niyang sagot Saka ako umalis.

Nagpunta ako ng canteen Kaso Wala Yung tubig na iniinom ng team namin kaya nagdecide akong lumabas muna sa school.

"Haruko!", sigaw  ni Sendoh sa may likuran ko agad ko naman siyang nilingon.

"Saan Ang punta mo?", tanong niya nang makalapit sa akin.

"Bibili sana ako ng tubig ng team. Nagpunta na ako ng canteen niyo Wala akong makita Doon. Kaya pupunta ako sa convenience store.", sagot ko naman.

"Samahan na Kita!", sambit pa nito.

"Huwag na, Sendoh! Ok lang. Manuod ka na dun!", sagot ko naman.

"Hindi mo kabisado rito Kaya sasamahan na Kita!", pag iinsist pa niya.

Haruko Akagi Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon