Chapter 79

30 1 2
                                    

Rukawa POV

Nang Makita Kong sobrang nasasaktan si Haruko ay agad ko siyang nilapitan ganun din ang ginawa ni Sendoh.

"Tama na please. Huwag kayong mag-away.", pakiusap pa nito.

"Sorry. ", sabay pa naming sambit ni Sendoh at lalong humahagulhol si Haruko.

Hahawakan ko na sana Siya pero nauna na si Sendoh kaya hinayaan ko nalang.

"Sorry.", ulit ko pang Sabi.

Nakita Kong nakahawak si Sendoh mga kamay ni Haruko at yayakapin na sana niya ito pero bumalikwas si Haruko at umusad papalapit sa akin at Dito Siya sa akin yumakap.

Ako naman ay walang nagawa at niyakap ko Rin Siya.

"Kaede, please huwag na kayong mag-away ng dahil lang sa akin.", iyak pang sambit ni Haruko.

"Hindi...na, Haruko. Hindi na. Kaya please tumahan kana.", sagot ko naman habang hinaplos Ang kanyang likod.

"Tahan na.", wika ko pa.

"Kaede.", tawag naman niya sa akin.

"O bakit? May masakit ba?", tanong ko naman habang hiniharap Ang kanyang mukha sa akin.

"Kaede, masakit Ang aking ulo. Sobrang sakit. Masakit.", sagot niya at lalong humahagulhol.

Bigla namang tumaob si Haruko at namimilipit na ito sa sakit Kaya kinabahan na Ako. Sumenyas na Ako Kay Sendoh at inutusan Siyang tumawag ng doktor.

Inalalayan ko naman Siya habang inaantay Ang doktor.

"Haruko.", nag aalala Kong Sabi.

"Araaay ko!!!!! Kaede sobrang sakit na!", sigaw pa ni Haruko habang hawak hawak niya Ang kanyang buhok at para bang sinasabunutanniya Ang Sarili.

"Ano ba Ang nangyari?", bungad naman ng doktor nang makarating na ito sa loob.

Ganoong din Ang tanong Nina Tito at Tita nang dumating.
Hindi ko na Muna sila sinagot bagkus ay inalalayan namin si Haruko na mahiga ng maayos.

Nakahinga ako ng maluwag nang unti unting humupa Ang sakit sa ulo ni Haruko at nakatulog ito.

"Ano po ba Ang nangyari?", agad namang tanong ni Tita.

"Medyo na istress lang si Haruko.", sagot naman ng doktor.

"Pero dok, ba't ganun po katindi Ang dinanas niyang sakit sa ulo?", takang tanong naman ni Sendoh.

"Bawal Kay Haruko Ang ma istress. Kaya huwag niyo munang pilitin na maalala niya lahat ng mga memories niyo hayaan nating kusang bumalik ito. Baka ano pa Ang mangyari sa kanya pag pinilit pa natin dahil Hindi niya pa kayang maabsorb lahat ng iyon. Kaya hinay hinay lang tayo at hayaan natin na Siya Ang magtanong Okay?", sagot naman ni Dok na tinanguan lang namin.

"Kaede.", wika ni Haruko habang kinakapa kapa niya Ang higaan na para bang may hinahanap kaya agad akong nagtungo sa kanyang kiliran at hinawakan agad Ang kanyang kamay.

"Kaede. Huwag mo akong Iwan.", sambit pa nito.

"Andito lang Ako sa tabi mo, Haruko. Andito lang Ako.", sagot ko naman.

Maya-maya ay nagising si Haruko at ako agad Ang hinanap niya.
Agad ko namang binigyan Siya ng tubig na maiinom.

Agad namang tumabi si Tita sa kabilang higaan at naupo na nakatitig Kay Haruko. Napalingon din si Haruko at inilipat agad Ang tingin sa akin na para bang may gustong itanong.

"Mama mo Siya, Haruko.", ani ko.

"Mama?", sambit niya habang nakatingin parin sa akin.

"Ou, anak. Ako Ang iyong Ina. Ako Ang nag alaga simula pagkabata mo. Galing ka sa akin anak. Mama mo ako.", diing sambit ni Tita na napalingon naman si Haruko.

Haruko Akagi Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon