Chapter 11

149 1 0
                                    

Haruko POV

Pumasok na ako sa loob Saka nadatnan Kong nagpapaalam si Rukawa.

"Mauna na ako sa inyo, Akagi!", pagpapaalam ni Rukawa Kay kuya.

Tumango lang si kuya.

Habang Papalapit si Rukawa sa kinatatayuan ko ay Napatitig lang naman ako sa gwapo niyang mukha at mga mata Hanggang sa nakarating Ang titig sa kanyang mga labi.

"Haruko!", untag niya na ikinamulat ko kaya napayuko na Lang ako.

"Ah eh...hatid na Kita palabas, Rukawa", tangi Kong sambit habang nakayuko.

"Bakit ka ba nakayuko jaan?", takang tanong niya.

"Nahihiya Kasi ako!", sagot ko naman.

"Kanino naman?", ikli niyang tanong.

Hindi na ako umimik kaya naglakad na si Rukawa palabas ng pinto habang ako ay nakayuko pa rin.

"Akala ko ba ihahatid mo ako sa gate? Naestatwa ka na jan!", Sambit naman niya na ikinagulat ko at napalingon sa kanya. Kaya sumunod na lang ako sa kanya palabas.

"Haruko, pagaling ka ha!", sabi niya.

"Ou naman!", nahihiyang sagot ko.

"Maraming salamat Pala sa pagpunta mo. Lumiban ka pa talaga ng practice game.", dagdag ko pa.

"Wala yun. Kasa....", Hindi na natapos ni Rukawa Ang pagsasalita nang nagsalita ulit ako!

"Hindi mo kasalanan Kung bakit ako nagkasakit, Rukawa. Kasalanan ko iyon dahil nagpaulan ako! Kaya wag mong sisisihin Ang sarili mo.", mahaba Kong litaniya

Nagulantang ako habang nagsasalita nang yakapin niya ako.

"Ru...ka..wa!", bigla kong Sabi.

"Haruko!", ikli niyang sagot habang niyayakap ako.

"Namiss talaga Kita. Malungkot ako dahil Hindi Kita nakikita sa court para manuod ng practice game namin. Sana magpagaling ka para naman Makita kita sa gym Araw Araw!", sambit niya na ikinagulat ko.

"Ru..ka..wa...Napapansin mo Pala Ang pagpunta ko lagi sa gym?", taka Kong tanong.

"Ou, Haruko! Masaya nga akong Nakikita Kitang nakangiting nanunuod.", ngiting sagot naman niya.

Nagulat ako sa mga sinabi niya. Hindi ko akalaing napansin niya Pala ako.

"Kaya magpagaling ka ha! Masaya akong Nakita Kita ngayon!", dagdag pa niya na naramdaman Kong lumuwag Ang pagkakayakap niya.

"Ou, Rukawa magpapagaling ako!", sagot ko naman habang niyakap si Rukawa ng mahigpit na ikinagulat niya Saka ako bumitaw.

"Pasensiya na! Na pahigpit ata!", nakayuko Kong sabi dahil nahihiya ako sa aking ginawa.

"Ano ka ba, ok lang yun. Hindi naman ako nasaktan bagkus ay Masaya ako", ngiti niyang Sabi habang hinahawakan Ang aking namumulang mga pisngi.

"Aalis na ako, Haruko! Pumasok ka na sa loon medyo malamig na rito.", dagdag pa niya.

"Sige. Mag iingat ka, Rukawa. Salamat ulit!", sagot ko Saka pumasok na sa loob.

"Nakakapanibago talaga. Ang Akala ko Hindi niya ako napapansin Kasi kahit ni tingin man lang sa kinauupuan ko Hindi niya ako tinapunan. Tapos ngayon heto sasabihin niyang napapansin niya ako at Masaya siyang Makita ako.!", bulong ni Haruko sa sarili habang nagsisipilyo.

Ang dating malayo Kung maabot ngayon nakakausap ko na at nayakap pa.

Third Person POV

"Haruko!", sigaw nina Fuji at Matsui.

Haruko Akagi Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon