Third Person POV
Dumating Ang Araw na pinakakahihintay ni Hikoichi. Engrande Ang paghahanda dahil ito ay utos ng kanyang Ina kahit na Wala ito sa selebrasyon.
"Maligayang kaarawan sa iyo, Hikoichi!", ngiting sambit ni Sendoh.
"Salamat, Sendoh!", ngiti ring sagot ni Hikoichi.
Saka naman nagsiratingan Ang team ng Kainan at Shoyo. Na ikinagulat naman ng team ng Ryonan.
"Bakit nandito yang mga team na yan?", takang tanong ni Fukuda habang nakatingin sa mga pumapasok na players.
"Syempre inimbitahan ko sila! Pati narin Ang Shohoku!", sabat na Sabi ni Sendoh na kararating lang sa mesa ng team.
"Ano?", sabay nilang sagot na binalingan si Sendoh.
"Ikaw ba Ang celebrant Dito at Kung makaimbita ka halos lahat ng tao sa Kanagawa!", sabi naman ni Ikegami.
"Mas Masaya pag marami!", ngising sagot naman ni Sendoh.
"Haaay naku! Ewan ko sayo, Sendoh!", Sabi Rin ni Koshino.
Maya maya'y pa ay dumating na Ang Shohoku Team. Kaya agad na tumayo si Sendoh at nagpunta sa gawi ni Hikoichi na kasalukuyang nakaabang sa mga bisita.
"Happy Birthday Hikoichi!", sigaw ni Sakuragi Saka niya ito niyakap. "Salamat sa pag imbita mo!", dagdag pa nito.
Kanya kanya namang bati Ang iba habang si Sendoh ay hinahanap si Haruko Ngunit Hindi niya ito mahagilap. Kaya sumunod siya sa shohoku team at tinanong si Ayako na kasalukuyang nakaupo katabi si Ryota.
"Ayako, Hindi ba dadalo si Haruko?", panimulang tanong nito.
"Mukhang Hindi, Sendoh! Pasensiya ka na.", sagot naman ni Ayako.
"Bakit daw?", tanong ulit ni Sendoh na nakalapit ng konti Ang Mukha Kay Ayako.
"Hindi namin alam, Sendoh! Dun ka na nga. Huwag mong ilapit lapit yang Mukha mo Kay Ayako.", inis na sabat naman ni Ryota na ikinabigla nito.
"Ahh...pasensiya ka na, Ryota. Maganda Kasi si Ayako!", pang aasar pa ni Sendoh Saka naman tumawa si Ayako.
"Anong Sabi mo?!", galit na Sabi ni Ryota.
"Ano ka ba naman, Ryota. Inaasar ka lang naman ni Sendoh. Pikon kana agad.", sabat naman ni Ayako.
"Huwag Kang mag aalala. Si Haruko lang Ang gusto ko!", bulong pa ni Sendoh Saka iniwan Ang dalawa at nagpunta na sa table ng Ryonan.
"Oh parang matamlay ka ata, Sendoh!?", puna ni Koshino.
"Mukhang Wala ata si Haruko eh!", sabat naman ni Ikegami na napatango lang si Sendoh.
Busy naman Ang lahat sa pagkukwentuhan nang may sumigaw na babae kaya sila'y napatingin.
"Hikoichi, Happy Birthday to you!", sigaw ni Yumi na Kasama Rin si Aiya.
BINABASA MO ANG
Haruko Akagi Love Story
FanfictionAno Ang gagawin mo pag nagkagusto ka sa dalawang tao at Hindi imo inaasahan na pareho din Silang maygusto sa'yo! Sino Ang pipiliin mo? Ang Isang Kaede Rukawa na kasalukuyang Ace player ng Shohuko o Ang Isang Akira Sendo na Ace player din ng Riyonan...