HARUKO POV
Mag iisang linggo na rin simulang nang mangyari Ang pagpunta ni Rukawa sa Bahay. Ni Hindi ko man lang nabanggit ito Kay Sendoh. Pahiwatig ko tuloy na para ba akong nagcheat.
Kasalukuyan akong nasa gym dahil inutusan lang naman Ako na mag input ng mga data ng team habang tamad na tamad na kumilos at paminsan-minsang Napabuntong hininga habang iniisip Kung paano ko sasabihin Kay Sendoh na nagkasama kami ni Rukawa.
Gulong gulo na tuloy Ang aking pag iisip....Kaya napagdesisyunan Kong Mamaya pagnagkita kami at makasama ko Siya ay sasabihin ko na sa kanya.Nasa suhistyon ako nang biglang may dumating..
"Haruko! Mukhang malalim ata Ang iniisip natin ah.", wika ng Isang lalaking naka uniporme pang Kainan.
Nilingon ko Ang taong ito at agad ko siyang niyakap.
"Kamusta ka na, Jin!", masayang sambit ko.
"Ok lang ako, Haruko.", sagot niya habang nakapilipit parin Ang aking mga kamay sa kanya.
"Grabe naman Kung makareact ka! Akala mo boyfriend mo Ang kaharap.", singit naman ni Kiyota.
"Bakit ba! Namiss ko kaya Siya ehh", sagot ko naman.
"Eh ako Hindi mo ba ako namiss?", pacute pang sambit ni Kiyota.
"Hindi!", agad ko namang sagot habang hinigpitan ko pa Ang pagyakap Kay Jin.
"Heee", inis na sambit pa ni Kiyota.
"Rukawa!", biglang sigaw pa niya na napatingin ako sa kinaruruonan nito.
Nagkatinginan lang naman kami at napansin ko ang pagkunot ng noo niya kaya agad akong kumalas Kay Jin at napaayos ng tayo.
"Hey!", bati ni Rukawa sa dalawa.
"Kamusta ka na? Buti at bumalik ka na rito.", ani naman ni Jin.
Hindi na Ako nakisabay pa sa pag uusap nila dahil mukhang masama Ang tingin sa akin ni Rukawa. Kaya bumalik nalang ako sa ginagawa ko.
Nang marining Kong tapos na Ang usapan nila ay talagang yumuko ako at itinuon Ang aking mga mata sa papel na hawak ko. Ayoko kasing magtama ulit Ang aming mga mata.
Napansin Kong may huminto sa harap ng table ko. Gusto ko man siyang tingnan pero ayoko.
"Good morning, Ms. Beautiful ❤️!", biglang sambit ni Rukawa na napataas Ang aking ulo at nagkatitigan ulit kami. Naramdaman ko Ang pagbiglang pag init ng aking mukha.
Ms. Beautiful daw? Ms. Beautiful. Ms. Beautiful -paulit ulit na sinasambit ng aking isipan
Nakita ko pa siyang nakangiti Saka Siya nagtungo sa bench at kumuha ng bola. Naipaypay ko tuloy Ang mga papel sa aking mukha.
"Mainit ba, Haruko at para bang namumula ka na diyan.", pang aasar ni Kiyota.
"Mainit naman talaga Diba Jin.?", sagot ko naman at tiningnan si Jin na kasalukuyang nakangiti.
"Gusto mo ba ng electric fan? Ibibili Kita.", biglang tanong ni Jin.
"Ewan ko sa inyo.", tanging sagot ko nalang sa pang aasar ng dalawa.
"Nga Pala, Haruko, nandito kami para imbitahan kayo sa Bahay nina Maki. Medyo may kunting salo-salo lang Ang magaganap.", ani Jin.
"Kelan ba Yan?", tanong ko naman.
"Bukas. Wala ka namang pasko Diba?", sagot niya.
"Okay. Sasabihan ko si Kuya.", sagot ko naman at tumango lang sila.
"Rukawa, sasama ka ba bukas?", sigaw ni Kiyota na napatingin naman Ako Kay Rukawa habang nag aantay ng sagot.
Huminto Muna ito sa pagdidribble at tumingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Haruko Akagi Love Story
FanfictionAno Ang gagawin mo pag nagkagusto ka sa dalawang tao at Hindi imo inaasahan na pareho din Silang maygusto sa'yo! Sino Ang pipiliin mo? Ang Isang Kaede Rukawa na kasalukuyang Ace player ng Shohuko o Ang Isang Akira Sendo na Ace player din ng Riyonan...