Chapter 40

70 0 0
                                    

Rukawa POV

Nakaupo lang kaming tatlo Nina Sendoh at Haruko habang nakatingin sa dagat nang dumating Ang iba naming Kasama. Masaya Silang nagtatawanan Lalo na si Sakuragi.

"Andito lang Pala kayo!", bungad ni Mitsui.

"Kanina pa namin kayo hinahanap!", sambit naman ni Jin.

"Simulan na Ang sayahan!", sigaw naman ni Sakuragi Saka inilapag Ang mga pagkain at alak.

Inayos na muna namin Ang pwesto habang Ang iba ay nag ayos sa tent. Si Haruko at Ayako naman Ang sa mga pagkain habang si Jin at Ryota naman Ang Toka sa barbeque na nagbabangayan pa.

Pagkatapos ng lahat ng iyon ay Saka lang kaming umupo na pabilog. Katabi ko parin ngayon si Haruko habang sa kabila naman ni Haruko ay si Sendoh

"Ang Dami niyo namang dalang alak!", ngiting sambit ni Haruko Saka ko siya tiningnan na kasabay ko Rin Pala si Sendoh sa pagtingin Kay Haruko.

"Bawal Kang uminom!", sabay naming sambit ni Sendoh Kay Haruko. Saka niya kaming dalawa binalingan.

"Bakit naman?", mahina niyang sagot.

"Basta! Bawal Kang uminom!", sabi ko naman.

"Kahit kaunti?", bulong pa nito.

"Hindi pwede!", sabat naman ni Sendoh na narinig Pala Ang pagbulong ni Haruko.

"Hindi pwede.", giit ko ring Sabi.

"Rukawa naman!", pagpapacute niyang sagot habang nakaharap sa akin.

Ang cute naman talaga ng nasaharapan ko.

Sana may paraan pa Haruko para naman Hindi Kita iwan.

Nakatitig lang ako sa kanya habang iniisip Ang mga iyon! Saka naman gumalaw Ang aking kamay at Nakita Kong napadpad ito sa mga Mukha niya na ikinapulang pula.

"Bawal Kang uminom.", ngiti Kong sambit.

Napansin ko naman Ang tingin ng lahat na nakatuon lamang sa aming dalawa ni Haruko kaya napabalikwas ako. Nakita ko pang kumunot Ang noo ni Sendoh at ni Sakuragi kaya napakuha tuloy ako ng Isang barbeque at nilantakan iyon.

"Ang sweet talaga! Nakakainlove naman talaga Ang tinginan ng dalawa.hahhaha", tawang sambit ni Ayako.

"Huwag ka ngang magsalita ng ganyan! Masasaktan si Sendoh!", sabat naman ni Fukuda Saka ibinaling Ang tingin ng lahat sa Banda ni Sendoh.

"Oh, bat kayo nakatingin? Ok lang ako! Heheheh", tawang niyang sabi.

"Tama na yan!", singit naman ni Maki at kumuha ng alak at itinaas ito.

"Para sa nabuong pagkakaibigan!", dagdag pa niya.

"Para sa pagdadamayan!", sigaw naman ni Mitsui.

"Para sa susunod pang trip!", sigaw naman ni Koshino.

"Para sa group of friends na ito!", sambit naman ni Hanagata.

"Para sa basketball!", Sabi naman ni Fujima.

"Para sa susunod pang memories!", sigaw ni Ayako.

"Para Kay Ayoko!", sigaw naman ni Ryota na napatingin kami sa gawi niya.

"Anong konek nun sa grupo?", bulong ni Mitsui sa akin.

"Hindi ko alam!", tipid kong sagot.

"Para sa panibagong yugto ng ating Buhay!", sambit naman ni Jin.

"Para sa marami pang kwentuhan!", sigaw ni Kogure.

"Para sa maraming tawanan!", sambit naman ni Fukuda.

Haruko Akagi Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon