Chapter 1: Alice

41.7K 457 7
                                    

Ako si Alice Berbano, isa akong student assistant sa Penderwicks College. Adopted daughter ng mag-asawang Mr. And Mrs. Evangelista may isa akong step brother which is tunay nilang anak, si Levan Evangelista. Since 7 years old ako sa bahay na ako ng mga Evangelista nakatira.

"Good Morning po sir. Si Alice po?" Levan

"Sandali tatawagin ko."

Umalis yung empleyado at tinawag si Alice sa loob ng encoder room.

"Alice, may naghahanap sayo sa labas."

"Sige po sir."

Lumabas ako sa Encoder room kasi may naghahanap daw sa akin, sino naman kaya naghahanap sa akin?

"Good Morning, what can i do for you?"

"Hi Alice." Levan

"Hello. Anong kailangan niyo?" malumanay kong sagot

"pwede ka daw ba maging date ni Renz sa Acquiantance Party?"

"Hindi naman kailangan ng date para sa Acquiantance Party ah."

"Sige na Alice, pagbigyan mo na ako parang di naman tayo magkapatid."

"Ayoko nga. Yun lang ba kailangan niyo sa akin?"

"Sige na Alice. Sagot niya naman lahat eh, damit mo pa makeup mo lahat lahat."

"Kapag sinabi kong ayoko, A-YO-KO. Okay? Atsaka isa pa Levan, hindi porket kapatid kita pagbibigyan kita sa gusto mo."

"Oo na. Sungit mo talaga."

"Okay lang basta hindi katulad mo."

"Yeah right."

Umalis na ako at bumalik sa encoder room.

"Bwisit na mga istudyante. Mga abnoy talaga."

"Alice."

"Yes po ma'am?"

"After mo mag encode ng mga files dyan magbreak ka muna."

"Hindi na po ma'am tapusin ko na lang po ito lahat para makauwi na po ako."

Hindi na ako nagbreak time dahil tinapos ko na lahat ng gawain ko bago umuwi.

"Ma'am aalis na po ako."

"Ah, osige. Thank you. Mag-ingat ka."

"Opo."

Umalis na ako at pumunta na sa dorm ko.

"Alice!" Land Lord

"Bakit po?"

"May mga padala ka."

"Galing po kanino?"

"Hindi ko na alam kung kanino galing sa sobrang dami."

Kinuha ko na lang yung mga padala sa akin at pumunta na sa dorm ko sa sobrang wala ako sa mood inilapag ko na lang sa sahig lahat ng padala sa akin at naupo.

*KNOCK! KNOCK!*

Ano ba 'yan kakaupo ko pa lang may kakatok kaagad.

"Sino yan?"

"Miss Alice?"

"Sandali lang."

Ako'y muling tumayo at binuksan ang pinto.

She's mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon