CHAPTER 25
Naiwan nga kami dito ni Aiden buti nalang at nagising na si Amir. At ngayon ay pinapatahan ni Aiden sa pag -iyak. Ako naman ay pinapanood siya habang kinakain ang nalusaw na ice cream sa cup.
"Do you want more?" tanong sakin ni Aiden pagtapos patahanin si Amir.
"okay na, saan to ilalagay?" tanong ko sakanya, tinuro naman niya ang kusina. Ako na ang nag hugas ng sarili kong pinagkainan.
Ayoko pa sana bumalik sa sala, kaya lang ay baka magtaka siya bakit ako nandito. Pag balik ko sa sala ay nilalaro niya si Amir.
"kiddo do you know, there is someone thought that I was your dad" sabi ni Aiden pag kaupong pagkaupo ko.
"Kasalanan mo Hindi mo nilinaw" irap ko sakanya.
"see wag mo siyang tularan" sinamaan ko siya ng tingin at lumapit sakanila.
"don't believe your brother, he is trying to brainwash you" sabi ko at hinawakan ang kamay ni Amir. Hinawakan din niya ng mahigpit ang daliri ko.
"Baby Amir, sinisiraan niya ako sayo" nagpapaawa pa ang boses ni Aiden. Si Amir naman ay tuwang tuwa sa pinag sasabi ng kuya niyang hunyango.
"No baby, no matter what happened don't believe him"
"Sakin yan maniniwala kapatid niya ako"
"so ano naman" tumingin ako kay Aiden.
"hindi ko talaga malaman kung bakit ka nila naging kapatid?"
"why? you thought anak ko din si Ace" hindi makapaniwala niyang sabi.
"No, ang cute kasi ni Ace at Amir ang layo sayo" sabi ko at pinunasan ang laway na tumulo kay Amir.
"cause they're cute and im handsome" humarap ako sakanya at tinaas ang kilay.
"wag ka magpatawa, hindi ka pogi hunyango ka"
"see Amir she's a liar" nilayo niya pa sa akin si Amir.
"nagsasabi lang ng totoo"
"I'm handsome"
"talaga saan?"
"here" nilapit niya sa akin ang mukha niya. Ilang inches nalang yata ay magdidikit na ang ilong naming dalawa. Kaya napalunok ako.
"Do you see?" tanong niya habang nakatitig sakin.
"huh? what?"
"that I'm handsome" napalunok ulit ako para magsalita.
"hunyango" ngumiti siya dahil sa sinabi ko at mas lalong nilapit ang mukha niya.
"can I ask you something?" sabi niya sa malumanay na boses na parang nang -aakit. Hindi ako nagsalita kaya nagpatuloy siya.
"Baby, am I handsome right" napatitig tuloy ako sa kabuuan ng mukha niya pababa sa labi niya. Hindi ako sumagot kay mas nilapit niya pa ang mukha niya. Konti nalang at maglalapat na ang mga labi namin. Gusto kong umusog at itulak siya pero hindi ko magawa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Papikit na sana ako ng biglang sinampal ni Amir si Aiden sa mukha at tumawa pa.
Nakahinga ako ng maluwag ng lumayo si Aiden at hiniga si Amir at nakipag laro nalang.
"wher-e's cr" nauutal kong sabi.
Tinuro naman niya ang cr ng hindi ako tinatapunan ng tingin.
Pagpasok ko sa cr ay sinampal ko agad ang sarili ko. Ano ba ang iniisip mo Scarlet. Ano magpapahalik ka nalang sa hunyango na yon.

BINABASA MO ANG
Leading in Into You
RomanceAng gusto lang naman niya ay maiparamdam ang kanyang pasasalamat at pahanga sa isang lalaki. Ngunit hindi niya alam kung paano gagawin iyon. Kaya napagpasyahan niyang idaan nalamang ito sa isang sulat. Pero paano kung hindi napunta sa tamang tao ang...