CHAPTER 33
"iha gising na" tawag sa akin ni Manang gising naman ako pero ayoko bumangon. Pagbumangon ako means kailangan kong pumasok, pumasok means kailangan kong magpunta sa school, magpunta sa school means makita si hunyango.
"bumangon ka na diyan iha, baka ma -late ka" manang puwede bang wag nalang pumasok.
Nagtalukbong nalang ako pero hinatak ni manang ang nakatalukbong na kumot.
"iha bangon na" hinila hila pa ako ni manang bago ako tuluyang bumangon.
"manang parang may lagnat ako" sabi ko kay manang.
Sinalat niya ang noo ko at kinumpara ang temperature ko sa temperature niya.
"Hindi ka naman mainit, bilisan mo na at maligo kana" tinulak pa niya ako sa banyo.
Binagalan ko talaga ang paliligo pero hindi ako pinakikisamahan ng oras, kung parang pagong ako gumayak ay ganun din ang oras.
"Goodmorning honey"
"Goodmorning scarlet" bati sa akin ni mom and dad nag beso naman ako sakanila at binati sila.
"Hindi ka ba nakatulog?" tanong sa akin ni Dad.
"hindi po gaano" sabi ko at kumain.
"Scarlet ang laki ng eye bags mo, are you okay?" puna ni mom.
"Im fine mom, Bawi nalang po ako ng tulog mamaya"
Pagtapos kong kumain ay inabangan ko na si Pat sa labas nagpasundo kasi ako, hindi ko kayang pumasok ng mag -isa.
"Oh my gash Ria, your eyes" nag hy-hysterical na turo ni Pat sa mata ko, kaya naman tinapik ko ang daliri niya mamaya matusok pa ako.
"wag mo na ngang pansinin, wake me pag malapit na tayo" pinikit ko ang mata ko at hindi na pinansin ang mga sinasabi niya.
Hindi naman ako nakatulog dahil buhay na buhay ang diwa ko. Paghinto ng sasakyan ay nag -inat muna ako bago bumaba.
"Are you awake the whole night Ria" tumango lang ako.
"Why?" hinawakan niya pa ang balikat ko.
"wala, hindi ako makatulog" inalis ko ang kamay niya at naglakad ulit.
"Any way, okay na ba kayo ni Aiden" tanong niya, come to think of it siya ang may kasalanan. Bakit nangyari yon, dahil iniwan niya ako sa puder ng isang Hunyango.
"Its your fault" naramdaman niya yata ang gagawin ko kaya naman tumakbo siya at ako naman ay hinabol siya.
"Patricia come here" sabi ko habang tumatakbo.
Naghabulan lang kami hanggang sa makapasok sa room namin, nahinto lang ako ng makita si Warren.
Fuck nakalimutan ko na siya, simula ng araw na yon. Tiningnan ko naman ng masama si Pat na ngayon ay naka peace sign.
Hinayaan ko nalang si Pat, humanda siya sa akin mamaya.
Nagpakawala muna ako ng buntong hininga bago magpunta sa desk ko which is katabi si Warren.
"Sit on my desk" naistatwa ako sa lalaking bumulong sa akin, ayan nanaman ang puso ko.
Sinundan ko siya ng tingin nilagay niya sa table ko ang bag niya saka naupo sa upuan ko.
Nakita ko namang nagulat si Warren at bakas sa mukha niya na, ayaw niyang katabi si Hunyango. Tumingin siya sa akin. Hindi ko pinansin ang tingin niya at dumeretso nalang sa upuan ni Hunyango. Ayoko rin naman makatabi si Warren, kaya okay na rin to.

BINABASA MO ANG
Leading in Into You
RomantizmAng gusto lang naman niya ay maiparamdam ang kanyang pasasalamat at pahanga sa isang lalaki. Ngunit hindi niya alam kung paano gagawin iyon. Kaya napagpasyahan niyang idaan nalamang ito sa isang sulat. Pero paano kung hindi napunta sa tamang tao ang...