Chapter 37

2 1 0
                                    

CHAPTER 37

"Mommy la ang dami na po nito" ang dami kasing prutas ang pinadala niya para samin. Tinali nila ang mga kahon ng prutas sa likod ng motor ni Aiden at ang iba naman daw ay ipapadala nalang nila.

"Hindi iha konti pa yan"

"Dumalaw kayo ulit  kasama na si Ace" paalala ni daddy lo.

"okay po salamat po" 

"Mommy la at daddy lo una na po kami dalaw po kami ulit"

"dapat lang" pinanlakihan pa si Aiden ng mata ni Mommy la.

Yinakap pa ni daddy lo si mommy la dahil parang ayaw kaming pauwiin. Mabuti nalang at ng yumakap si daddy lo kaya napabitaw na siya sa amin.

"you should visit them more" sabi ko kay Aiden habang nasa biyahe kami.

"We can always visited them, and how come you two become close"

"secret nalang namin yon ni mommy la" 

Hindi na din siya namilit at nagfocus nalang sa pagmamaneho. 

Pagpapunta don parang ang tagal pero itong pauwi naming ang bilis lang.

Binuhat niya papasok sa loob ang mga prutas.

"Goodmorning manang" niyakap ko si Manang. Maski si manang ay nagulat sa kahon ng prutas na dala namin.

Naabutan naming nag -aalmusal sila mom and dad.

"Mom dad Goodmorning, sorry po ngayon lang ako" nagsorry din si Aiden at pinaliwanag ulit niya ang nangyari.

Inalok nila kaming kumain pero parehas kaming busog pa kaya nagkape nalang kami.

"So bakit kayo magkasama kahapon" tanong ni Dad.

"Sinama niya lang po ako sa farm nila mommy la at daddy lo"

"daddy lo mommy la?" 

"Grandparents po ni Aiden"

"Bakit hindi niyo kasama si Pat"

"ahm da-"

"Inaya ko po magdate si Scarlet" pagputol sa akin ni Aiden, hindi ko inaasahan na aamin siya kila Dad, kaya naman laking gulat ko sa sinabi niya.

"Why?" nakakunot noong tanong ni Dad at hindi inaalis ang tingin kay Aiden.

"I love your daughter sir, and I'm courting her" tumayo pa si Aiden at nagbow. Kaya naman hinila ko siya paupo pero ang tigas niya at ayaw magpahila.

"And dinala mo siya sa farm niyo para sa date niyo?" 

"dad naman, mom" panghihingi ko ng saklolo kay mom.

"Yes, I want her to meet my grandparents at gusto ko din po siyang mag relax at mag -enjoy, away from all the stress" derederetso niyang sabi ng nakatingin din kay dad.

He wants me to relax, cause this past few week I'm having a hard time. Kasama ka kaya bakit ako stress, gusto ko sanang isingit kaya lang wag nalang.

"Do you really love my daughter?"

"yes I love her, and willing to wait just to hear her say yes to me" tumingin naman sa akin si Dad.

"hindi mo pa sinasagot?" umiling ako.

"I'm currently courting her sir and ma'am" huminga ng malalim si Dad.

"honey pahirapan mo siya" bumaling sa akin si Dad at tumango naman ako.

"Don't hurt my daughter Aiden" nginitian siya ni mom.

"Of course Love pag sinaktan niya ang anak natin, lalatiguhin ko ang buong katawan niya"

Leading in Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon