CHAPTER 6
Sabay ulit kaming nag lunch ni Warren. But this time kasabay namin ang ilan sa mga kaklase namin. Ngayon ko lang napansin na hindi ko nakikita dito si hunyango at ang kaibigan niya may iba pa bang lugar na puwedeng kainan dito.
Pag nakita ko talaga yang si Dom kakalbuhin ko siya. Tatayo palang kasi ako kanina ay naka takbo na siya sa labas.
Kumakain kami ng mahagip ng mata ko ang babaeng kausap kanina ni hunyango. Ng nakita niyang nakatingin ako ay sinamaan niya ako ng tingin. Hindi ko nalang iyon pinansin, anong problema ng isang iyon siya na nga ang binigyan ng advice siya pang galit. Masama na talaga ngayon ang maging mabait.
Tiningnan ko naman si Warren na ngayon at nakatingin sa babae na yon.
"you know her?" I asked Warren ng hindi maalis ang tingin niya sa babae. Agad naman siyang nagkibit balikat at parang kinakabahan. Weird tinanong ko lang naman siya kung kilala niya yung babae na yon.
"she's Olivia Mae Herrera" nagulat ako ng sumagot ang isa sa kaklase naming babae. Narinig siguro niya ang pagtatanong ko kay Warren. Tumango nalang ako.
"Ex ni Aiden yang si Olivia hindi ko nga alam bat sila naghiwalay, siguro na amoy ni Aiden na masama ang ugali niyang si Olivia"
"Ex ni Aiden si Olivia?" tanong naman ni Warren na gulat na gulat, bakit parang interesado siya. Kilala niya kaya talaga ang Olivia na yon.
"Oo alam ko sila pa ng matapos kami ng Junior High, ewan ko anong nangyari at naghiwalay sila feeling ko si Aiden nakipag break, Kasi hinahabol pa niyang Olivia nayan si Aiden eh" nagtataka na ako bakit ang dami nilang alam. Tungkol sa dalawang iyon.
"Omg" napatakip pa ako sa aking bibig ng dahil sa naisip ko. Nag two time ba si Aiden. Sila pa ng natapos ang Junior High ano yon nagbakasyon lang wala na sila. Siguro iyon ang time na nalaman ni Aiden na may baby na siya. Omg omg. Ano ba tong naiisip ko.
"May problema ba? ayos ka lang?" nag -aalalang tanong sakin ni Warren. Nginitian ko nalang siya at tumango sabay baling sa mga kaklase ko.
"bakit ang dami niyong alam?" tinanong ko na sila dahil na-cucurios na ako.
"Dito kami sa Cromwell graduate ng junior high same kina Aiden at Olivia." Ah so iilan lang kaming nag transfer dito ng Senior High.
Nagchismisan lang sila habang kumakain si Warren naman ay tahimik lang at malalim ang iniisip. Tinanong ko kung okay lang siya dahil para siyang namumutla. Pero sinabi niyang okay lang daw siya at hindi na tinapos ang pagkain niya at umalis mauuna na daw siyang pumasok sa classroom. Gusto ko sanang samahan siya kaya lang ay tinanggihan niya ang alok ko at tapusin ko nalang daw ang kinakain ko. Napasimangot nalang ako dahil sa sinabi niya.
Pagkatapos naming kumain ay napag disisyunan naming bumalik sa classroom. Nag-alok pa sila na ililibot nila ko kaya lang ay tumangi ako masaya kung kasama si Warren. Dumaan muna ako ng CR bago pumasok ng classroom.
Magfluflush na sana ako ng marinig ko nanaman ang mga hikbi. Gash ito nanaman. Binuksan ko ng kaunti ang pintuan ng cubicle at sumilip ako, nakita kong hindi naman pala multo ang humihikbi ito yung kaklase kong nakasalamin yung nakita kong namumugto ang mata kahapon. Ito ang President namin.
Lalabas na sana ako kaya lang naalala kong hindi pa ako nag fluflush kaya nag flush muna ako bago siya lapitan at tanungin kung bakit siya umiiyak. Kaya lang pag labas ko ay wala na siya. Asan na kaya siya. Nag hugas nalang ako ng kamay at pumasok sa classroom.
Pag pasok ko sa classroom ay nadismaya ako, wala si Warren asan kaya siya sabi niya ay papasok na siya. Umupo nalang ako sa upuan ko at tinitigan ang mga estudyanteng dumadaan sa labas ng bintana.

BINABASA MO ANG
Leading in Into You
RomanceAng gusto lang naman niya ay maiparamdam ang kanyang pasasalamat at pahanga sa isang lalaki. Ngunit hindi niya alam kung paano gagawin iyon. Kaya napagpasyahan niyang idaan nalamang ito sa isang sulat. Pero paano kung hindi napunta sa tamang tao ang...