CHAPTER 8
Muntik pa kaming dalawang maligaw buti nalang at may napagtanungan kaming isang tricycle driver at siya na mismo ang naghatid sa amin papuntang Mall.
"marami na palang nagbago dito simula ng umalis kami." Biglang sabi ni Pat habang tinatanaw ang mga dinadaanan namin.
"ako man nagulat sa dami ng nagbago dito matagal narin kasi tayong hindi nakauwi dito" tumango nalang siya habang tinatanaw parin ang dinadaanan namin.
Ilang minuto pa at nakarating na kami sa Mall kaya tinawagan ko na si Mom nakakaisang ring palang ay sinagot niya na ito.
"Mom saan kayo?"
"nasa parking na kami. You san kana?"
"dito napo sa loob ng mall"
"okay kita nalang tayo sa cinema" nag okay na ako kay Mom at e-nend na ang tawag.
Napagdisisyunan kasi naming manood ng movie at pagkatapos ay kakain at magshoshopping sandali.
"Pat lets go"
"where?"
"sa taas sa cinema" sumunod naman siya at kumapit sa braso ko.
Nang makarating kami sa Cinema ay nagtingin tingin kami ng magandang mapapanood. Gusto ko yung mga fantasy na movie. Habang namimili kami kay may tumawag sa akin. Pinatalikod ko naman sa likod ko si Pat. Para masurprise sila.
"Mom/ Dad" sabay halik sa pisnge nila.
"Mom guess whos with me?" kumunot ang noo nila dahil sa pagtataka. Kaya agad agad kong hinarap sa kanila si Pat.
"charan!! Pat will join us" sabi ko habang winawagay way ko ang kamay ko sa harap ni Pat at si Pat naman ay humarap sabay hawak sa pisnge niya at nagpacute.
Parang anak na kasi ang turing nila Mom kay Patricia dahil kami lang ang magkalaro simula ng tumira kami dito at kami parin ang magkasundo kahit lumipat kami sa Manila. Ganun din naman ang familyni Pat. Kaya malungkot si Mom ng lumipat sila sa States.
Kaya hindi na ako nagtataka ng ganito ang reaksiyon ni Mom. Kitang kita ang saya at gulat sa kanyang mukha kaya napatawa nalang kami.
"O my dear Patricia" nakipag beso siya kay Mom and Dad.
"how are you Patricia" mom ask while holding the hand of Pat and hug her.
"Im fine tita, kayo po"
"we're fine iha"
"Kelan pa kayo nakauwi?" masayang tanong naman ni Dad
"Ako palang po ang nandito sila Mom ay nasa States pa, maybe next month nandito na po sila.'
Pagkatapos magkamustahan ay namili na kami ng panonoorin namin. Natagalan pa kami sa pagpili dahil hindi kami magkasundong apat sa panonoorin. Gusto ni Mom ay yung mga comedy okay lang naman sa akin iyon kaya lang ay hindi nakakatuwa ang mga characters baka maboring lang ako. Si dad naman gusto ay action. Kami ni Pat gusto namin ay fantasy or romance. At dahil sa nag tatalo talo kami ang natirang available na ticket ay ang ayaw namin. Napilitan kaming manood ng horror film. Sana lang ay hindi masyadong lumabas ang mga multo.
Bago pumasok sa loob ng Cinema ay bumili muna kami ng snacks at drinks.
"are we really going to watch that horror film?" bulong ni Pat sa akin. Black belter sa taekwondo pero takot sa multo. Tumango nalang ako at umiling. Ayokong asarin siya dahil takot din naman ako.
Ng makapasok kami sa loob ng cinema ay may nag assist sa amin para madali naming makita ang upuan namin. Habang hinihintay na magsimula ang movie, ay para akong maiihi. Kaya nagpaalam muna ako sa kanila na mag ccr lang ako.
BINABASA MO ANG
Leading in Into You
RomanceAng gusto lang naman niya ay maiparamdam ang kanyang pasasalamat at pahanga sa isang lalaki. Ngunit hindi niya alam kung paano gagawin iyon. Kaya napagpasyahan niyang idaan nalamang ito sa isang sulat. Pero paano kung hindi napunta sa tamang tao ang...