CHAPTER 27
Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na inaya ako ng Date ni Warren. Parang panaginip, Ni minsan hindi ko naisip na aayain ako ni Warren na makipag date. At umamin pa siya sa akin na gusto niya ako. Dream come true nga naman.
Nakaharap ako sa salamin ko ngayon, inaayusan ko ang sarili ko. Kahit hindi marunong mag make up ay nag try parin ako buti nalang at maayos naman ang kinalabasan.
I wear my floral mint green dress with my white wedge sandals. Hindi ko na kinulot ang buhok ko. Habang sinusuot ang earrings ay tumawag naman si Pat.
"Hello" bati ko sakanya at niloudspeaker ang phone ko para marinig ko parin siya kahit nagsusuot ako ng neck lace.
"So ano maganda ka na ba, ano suot mo patingin?" agad na tanong niya. Parang mas excited pa siya sa akin.
"ayos lang naman, sinuot ko ang sinabi mong isuot ko" sila kasi ang namili ng isusuot ko ngayong araw. Hindi ko naman sila pinapili, basta ng nakuwento ko sa kanila ang nangyari ay agad agad nag aya si Pat sa bahay at sinuyod na ang closet ko. Si Elaine siyempre walang nagawa kaya naman namili na din ng mga isusuot ko ngayong araw.
"very good, nice, good job, balitaan mo kami mamaya okay" ang daming compliment ngayon na lumabas sa bibig niya. Halatang masaya at excited siya para sa akin.
"okay, i'll call you later"
"okay enjoy your date bye, wabyu muwah" napailing nalang ako at pinatay niya na ang tawag.
Nilagay ko na ang phone ko sa bag ko at nagpabango, konting ayos lang ng clip sa buhok ko at umalis na ko.
Dito na kami sa mall nagkita, nagpumilit pa siyang susunduin ako pero tumanggi ako, mas mapapalayo pa siya. Okay lang naman sa akin kung dito kami sa mall magkikita.
Napagkasunduan naming magkita sa isang cafe shop dito sa loob ng mall. Agad ko naman siyang nakita kaya pumasok agad ako.
"Hi, kanina ka pa" bati ko, tumayo naman siya at pinaghila ako ng upuan.
"kakarating lang, by the way you look absolutely pretty today" nahiya naman ako kaya yumuko ako ng konti. Hindi ako sanay pag sakanya nanggagaling ang mga compliments. Nakakahiya parin.
"Thank you"
"Oh I already book us a ticket"
"a ticket" tanong ko. Alam ko kasi sa Mall lang kami.
"Yes, sa amusement park" pinakita niya sa akin ang dalawang ticket.
"Amusement park" ulit ko sa sinabi ko at pasimpleng tiningnan ang sandals ko, sana pala nagsapatos at pants ako.
"are you excited" bumalik ang tingin ko sakanya at ngumiti.
"yes"
"okay let's go"
Sumunod naman ako sakanya. Nag taxi kami papuntang Amusement Park. May kalayuan din kasi itong Park.
"sorry, hindi kita na sabihan na sa park nalang"
"okay lang, mukhang masaya naman sa amusement park" tiyak ko naman kasi na mag -eenjoy kami sa amusement park kesa sa mall.
"Papasayahin kita ngayong araw okay" natawa naman ako, dahil sa sinabi niya.
"masaya naman ako"
"edi mas papasayahin pakita" napailing nalang ako sakanya habang tumatawa.
Huminto ang taxi. Nandito na siguro kami. Nagbayad siya kaya, sinabi ko pa na hati kami pero ayaw niya talaga. Bumaba siya at pinagbuksan niya ako ng pinto. Ang gentleman talaga ni warren.

BINABASA MO ANG
Leading in Into You
RomanceAng gusto lang naman niya ay maiparamdam ang kanyang pasasalamat at pahanga sa isang lalaki. Ngunit hindi niya alam kung paano gagawin iyon. Kaya napagpasyahan niyang idaan nalamang ito sa isang sulat. Pero paano kung hindi napunta sa tamang tao ang...