CHAPTER 29
"Thank god naman na pumayag kana rin na mag sleepover tayo" sabi ni Pat habang papasok ng kuwarto ko at nahiga agad sa kama ko.
Sino ba namang hindi papayag kung araw araw kang kinukulitn wala yatang araw ang lumipas ng hindi niya babanggitin ang salitang Sleepover.
"Hintayin nalang natin si Elaine dito mamaya, kasabay siya nila mom"
"okay, while waiting to Elaine, peram muna ng notes mo" itinuro ko naman sa kanya kung saan nakalagay.
"Mag -aaral ka?"
"Yeah, kahit labag sa loob ko, baka hindi ako isali ni couch sa tournament pag mababa ang grades ko" sabi niya habang binubuklat ang mga notebook ko.
"Goodluck, I'll buy Ice cream, may ipapabili ka"
"just candies" nag -okay naman ako at lumabas na para bumili.
"hmm I got my ice cream and candies for Pat what else?" tanong ko sa sarili ko ng maalala si Elaine kaya tinawagan ko siya. Kaya lang ay busy yata siya sa cafe dahil hindi niya sinasagot ang tawag ko. Kaya si Pat nalang ang tinawagan ko.
"Hello, ang tagal mo" reklamo niya sa kabilang linya.
"ano bang pagkain ang gusto ni Elaine?" tanong ko sa kanya.
"Base on my observation, kinakain naman niya lahat, but most of the time kasi she eats bread, I thinks she's a bread lover"
"Okay I'll just buy some bread"
"Don't forget my candies" pahabol niya
"okay, bye mag -aral ka diyan" binaba ko na ang tawag at kumuha ng isang pack ng bread.
Pabalik na ako sa bahay namin ng may napansin ako.
Anong ginagawa ng isang to dito. Alam kong kulang kulang siya at baliw pero may mas ibabaliw pa yata siya.
Dahan dahan akong lumapit sa kanya habang pinapanood ang ginagawa niya. Ngayon mas lalo kong nakita ang mukha niyang medyo madumi nakuha niya siguro yon habang tumatabling at dumadapa pa na parang may tinataguan, may hawak din siyang dalawang dahon na hindi naman nakakatulong sa pagtatago niya.
"What are you doing?" tanong ko ng makalapit ako, halos tumalon na siya at hawak pa ang dibdib niya. Ganun ba nakakagulat ang tanong ko malumanay naman akong nagtanong.
"ano ba kasi ang ginagawa mo, anong kasalanan ang ginawa mo at bakit ka nagtatago?" sunod sunod kong tanong sakanya.
"sssshh" iyon lang ang sagot niya at hinila ako sa may puno para magtago.
"sino ba pinagtataguan mo? dont tell me nangutang ka at ngayon ay pinaghahanap ka ng bumbay?"
"No wala akong utang" pabulong siyang sabi.
"ano nga ginagawa mo at ganyan kadumi ang itsura mo"
"look at them" bahagya niyang nilabas ang ulo niya at ganun din ako. Itinuro pa niya ang dalawang lalaki. Pamilyar ang isa saan ko nga ba nakita yon.
"Who are they? Dom are you stalking guys? are you into gu-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil humiyaw siya ng matigas na matigas na NO! with iling at ang dalawang kamay niya ay nag form pa ng malaking X.
"Hindi mo ba naaalala ang lalaking yan" patago niyang turo sa lalaking pamilyar.
"he seems familiar, why?"
"he is courting Elaine" tiningnan ko ulit ang lalaki at pinakatitigan, siya iyong lalaki sa cafe.
"So ano naman sayo kung nililigawan niya si Elaine" nakataas ang kilay kong tanong sakanya.
BINABASA MO ANG
Leading in Into You
RomanceAng gusto lang naman niya ay maiparamdam ang kanyang pasasalamat at pahanga sa isang lalaki. Ngunit hindi niya alam kung paano gagawin iyon. Kaya napagpasyahan niyang idaan nalamang ito sa isang sulat. Pero paano kung hindi napunta sa tamang tao ang...