CHAPTER 23
Pagkatapos ng masayang foundation ay ito kami naglilinis ngayon. Hindi kasi nakapaglinis ng mabuti ng Friday kasi gabi ng natapos ang awardings. Kaya napagdesisyunan naming maaga nalang pumasok ang mga officers ngayong Monday.
Inalis nanamin ang mga papel na nakadikit sa mga bintana. Kung ano ang hirap na dinanas namin sa paglalagay ng mga desenyo ay siya namang bilis baklasin nito. Nakakapanghinyang.
Pinalitan na din namin ang mga kurtina para hindi na madilim tingnan ang room namin. Inayos nanamin ang mga table sa loob ng room. Umagang umaga pinagpapawisan na ako.
"Sorry late ako" nabaling ang tingin ko sa kakapasok lang na si Aiden gulo gulo ang buhok niya. Mukhang nagmadali siya sa pag pasok. Kung may nakakatuwa mang character is Aiden ay ang pagiging medyo responsable niya. Kahit hindi sabihin sakanya ay ginagawa niya ang trabaho niya bilang vice president ng room. Iyon lang minsan lang talaga ang sarap tabasin ng dila niya.
"okay lang vice, san natin dadalin ang stall" nilapitan agad ni Aiden ang kaklase naming kanina pa namomoblema sa stall na ginamit namin.
"guwapo talaga ng vice natin" kinikilig na sabi ng isa kong kaklase.
"oo nga basa basa pa ang buhok" kumagat pa sa labi ang isa kong kaklaseng babae. Parang sila ang gusto kong linisin instead of our room. Umagang umaga kung ano ano ang iniisip.
"kayo lagay niyo na sa plastic ang mga natirang mga cups at ang mga gamit" utos ko sakanila dahil naiinis ako, inuuna pa nila ang pagnanasa kaysa paglilinis.
Matatapos na ang paglilinis ng dumating si Warren at Dom.
"goodmorning Scar sorry late ako" pag sosorry ni Warren.
"okay lang matatapos na rin naman kami"
"may gagawin pa ba?" tanong ni Warren. Kaya tinuro ko ang mga cushion na nasa upuan pa para mailagay na sa lalagyan. At maisoli na.
"Scarlet ako hindi mag sosorry, dahil sinadya kong malate" Proud pa si Dom. Expect naman namin na hindi siya pupunta dahil ng nag -usap usap ang mga officers ay siya ang unang hindi sumang –ayon na agahan ang pasok para maglinis.
"alam namin Dom hindi mo kailangang ipagmalaki"
"so anong maitutulong ko" tanong ni Dom. Kunyari pang gustong tumulong.
"isoli mo nalang ang projector sa library " utos ko sakanya. Sumunod naman siya.
Ilang sandali pa ay natapos nanamin ang lahat. Classroom na ulit ang itsura ng room namin.
"Elaine may gagawin pa ba?"tanong ko kay Elaine na kakatapos lang tupiin ang mga kurtina.
"wala na" ngumiti siya at nilagay na sa isang bag ang mga kurtina.
"ah kapagod"
"Dom paano ka napagod eh nagsoli ka lang naman ng projector at pagkatapos ay nagpunta kana sa cafeteria para kumain."
"nakakapagod kumain Scar" minsan talaga naiisip kong itapon nalang si Dom.
Iniwan nalang namin si Dom at nagpunta sa Cafeteria. Konti lang kasi ang kinain ko kanina.
"ako na magbabayad" umiling ako kay Warren nakakahiya na.
"ako na tinapay lang naman ito" sabi ko at binigay sa cashier ang bayad.
"sure kang tinapay lang ang kakainin mo" tumango ako.
"hindi naman ako gutom, pinag luto ako ni manang ng breakfast kanina" umupo kami sa isang table para makakain kami.
BINABASA MO ANG
Leading in Into You
RomantizmAng gusto lang naman niya ay maiparamdam ang kanyang pasasalamat at pahanga sa isang lalaki. Ngunit hindi niya alam kung paano gagawin iyon. Kaya napagpasyahan niyang idaan nalamang ito sa isang sulat. Pero paano kung hindi napunta sa tamang tao ang...