CHAPTER 22
Nagulat ako ng papasok siya sa bahay namin akala ko ay pag bubuksan niya lang ako ng gate. At bakit naman niya ako pagbubukasan ng gate guard ba namin siya. Ano ba naman ang naiisip ko.
"anong ginagawa mo?" ng mahabol ko siya ay hinawakan ko ang braso niya. Tiningnan niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya at hinawi iyon.
"bakit ka nandito trespassing ka" sabi ko dahil hindi siya nag sasalita. Umiling siya at binuksan ang pintuan ng bahay namin.
"stop, hindi ka puwedeng pumasok dito." Tinutulak tulak ko pa siya palabas.
"what are you two doing? bakit ayaw niyo pang pumasok?" rinig kong tanong ni mom. Napatingin naman ako kay mom.
"mom bakit nandito iyan" turo ko kay Aiden. Tumawa naman si Mom.
"why? Nagulat ka ba? Inin-vite namin sila na dito na mag dinner" lumapit si Aiden kay Mom at binigay ang plastic na dala niya.
"ito napo ang pinabili niyo"
"thank you" naiwan ako sa pintuan. Anong dinner? Hindi makapaniwalang tanong ko sa utak ko.
Nang makapasok ako sa bahay ay nakita ko si Aiden, Ace at ang Mom niya at isang baby, ang baby ni Aiden. Nagpunta ako para igreet ang mommy niya at si Ace ng hindi naalis ang tingin sa baby na ngayon ay gumagapang sa sala namin.
"Ate ganda" nawala lang ang tingin ng yumakap sa hita ko si Ace.
"hi Ace" niyakap ko naman si Ace at binuhat.
"ate your beautiful" sabi sa akin ni Ace pagkabuhat ko sakanya at hinawakan pa ang magkabilang pisnge ko. Tumawa naman ako dahil sa sinabi niya.
"give your ate Scarlet a kiss" sabi ng Mom ni Aiden at hinalikan naman ako ni Ace sa pisnge.
"thank you Ace you're so sweet" ngiti ko sakanya.
"Ate I'll introduce you to my baby brother" nagpababa siya at nagpunta sa baby na gumagapang.
"Ate this is my Baby brother Amir" at binuhat niya ang baby kahit hindi niya kaya kaya naman tinulungan siya ng Mom niya.
Napatingin naman ako kay Aiden na ngayon ay nakangisi, He even mouthed "baby".
Bumalik ang tingin ko sa baby na inilalapit sakin ngayon ni Ace so hindi niya to anak. Walang anak si Aiden. Mali ako ng akala. Ang malisyosa ko nga. Eh bakit naman kasi hindi niya sinabi sakin na wala siyang anak ng sinabi kong may baby siya. Nakakainis tong hunyango na to sarap lukutin ng mukha dahil nagpipigil ng tawa.
"ate ganda laro po tayong tatlo nila Amir" bumalik ang atensiyon kay Ace. At bahagyang hinaplos ang mukha ng baby.
"sure ano lalaruin natin" tanong ko sakanya
"ito po" inabot niya sa akin ang isang car toy.
"Pero magbibihis muna ako wait moko"
Iniwan ko muna siya sana saglit para magbihis pero ayaw niyang mag paiwan kaya sinama ko na siya sa kuwarto ko. Binuhat ko si Amir at nakahawak naman sa laylayan ng dress ko si Ace.
"many toys" sabi niya pagkapasok sa kuwarto ko. Tumakbo agad siya sa kama kung nasaan ang mga teddy bear at plushies ko.
"Ace stay here okay. Magbibihis lang ako, ikaw din baby, Ace puwede mo bang bantayan si Amir" tumango naman siya at inabutan si Amir ng stuff toys at binubulaga si Amir naman ay tuwang tuwa.
Iniwan ko muna sila. Nagmamadali pa akong mag bihis dahil baka may mangyari sa dalawa dahil may kalikutan din silang maglaro. Nag suot lang ako ng dolphin shorts at over size tshirt. Para deretso tulog na mamaya.

BINABASA MO ANG
Leading in Into You
RomanceAng gusto lang naman niya ay maiparamdam ang kanyang pasasalamat at pahanga sa isang lalaki. Ngunit hindi niya alam kung paano gagawin iyon. Kaya napagpasyahan niyang idaan nalamang ito sa isang sulat. Pero paano kung hindi napunta sa tamang tao ang...