Chapter 10

29 11 0
                                        

CHAPTER 10

Maaga akong gumising ngayong araw para tulungan si Mom sa pag preprepare para sa opening ng shop.

After kong maligo ay sinuot kona ang top kong off- shoulder Puff long Sleeve and denim shorts. Tinack -in ko lang ang top ko at sinuot ako ng sneakers ko. Medyo cinurl ko lang ang aking mahabang buhok. Pagkatapos ay nag face powder lang, naglagay ng tint sa cheeks at lips ko yan lang ang kaya kong gawin. Bago bumaba ay inayos ko ulit ang buhok ko at tiningnan ang sarili sa salamin baka may sumobra or lumagpas na liptint sa labi ko. Ng makita kong okay na at satisfied na ako sa itsura ko ay kinuha ko ang sling bag ko at bumaba na.

"Mom lets go!" pag – aya ko kay Mom. Agad naman siyang ngumiti at lumapit sa akin.

Sumakay siya ng sasakyan kaya sumakay narin ako.

"Mom daanan natin si Pat, sabi niya daanan daw siya tutulong daw siya." tumango naman si Mom at nag- iba ng ruta para mapuntahan ang village nila Pat. Pero nagulat ako ng papunta siya sa kabilang kanto hindi naman ito ang papunta sa village nila Pat.

"mom may pupuntahan pa ba tayo?" nagtataka kong tanong wala naman kasi siyang nabanggit na may dadaanan pang iba.

"Dadaanan lang natin si Aiden" wait sino ang dadaanan?

"Mom sino?" ulit kong tanong kay Mom baka nagkamali lang ako.

"si Aiden ng nakaraang araw nakita ko siya kasama ang mom niya. And nag offer siya kung anong matutulong niya. Kaya pinatulong ko nalang siya ngayon kailangan din natin ng lalaki para sa magbubuhat. Mamaya pang gabi ang uwi ng dad mo."

"Mom kaya naman natin iyon nakakahiya sa kanya"

"siya ang nagpupumilit Scarlet at pumayag din naman ang Mom niya."

"Pero mom"

"walang pero pero Scarlet, ngayon lang naman" 

Umagang umaga naman makikita ko ang pagmumukha ng hunyango na yon. Wala na akong nagawa dahil nandito na kami sa tapat nila agad ko siyang nakita. Nakasandal siya sa pader at naka denim jacket siya na at nasa loob nun ang plain white shirt at ang pang baba niya ay plain black pants.

"thank you sa tulong mo today Aiden iho, naabala ka pa namin"

" okay lang po tita" at sumakay siya sa likod.

"pupunta ba mom mo mamaya?"

"yes po kasama po ang kapatid ko"

"really kasama mamaya si Ace" tumango nalang siya bilang sagot, makikita ko ulit ang cute niyang kapatid nakakaexcite naman. 

"Mom kila Pat na" nag yes naman si mom at nagpunta na sa village kung saan nakatira si Pat.

Nang malapit na kami sa village nila ay tinawagan ko na siya. Matagal bago niya ito nasagot.

"Pat papasok na kami sa village niyo."

"okay okay palabas na ako" agad niyang binaba ang tawag, siguro ay tinanghali ito ng gising halata na nagmamadali siya.

Nang makarating kami sa tapat ng bahay nila Pat ay lumabas ako at nagdoor bell. Dahil wala pa siya sa labas. Mag dodoor bell sana ulit ako kaya lang ay lumabas na siya. Tama nga ang hinala ko hindi pa siya nakakapag ayos. Hindi pa ayos ang collar ng damit niya at hindi rin ayos ang tuck in niya.

"sabi ko sayo kung hindi mo kayang gumising ng maaga ay sumunod ka nalang sa shop hindi mo naman kailangan tumulong" kagabi palang ay sinabihan ko na siya na five palang ay mag- preprepare na kami ni Mom kaya lang ay nagpumilit siyang sasama daw siya kaya daw daanan siya.

Leading in Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon