CHAPTER 42
"Ang sakit ng katawan ko" reklamo ni Pat at nahiga sa bleacher.
"Hindi lang ikaw" hinilot hilot pa ni Dom ang kanyang balikat.
Two weeks na simula ng naparusahan kami at para akong binugbog lagi pag -uwi ko sa bahay. Sobrang pagod at masakit ang katawan. Mabuti nalang at hindi makalat ang ibang facility dito sa school, hindi man halata pero tinutulungan kami ng mga janitors kahit na pagdampot sa kalat ay malaking bagay na sa amin, sa laki ba naman ng school na to, papasok ng maaga para magwalis ng mga dahon na tuyo. Magpapalit ng garbage bag para sa mga basurahan, paglilinis ng mga restroom at pagdidilig ng halaman, tapos anim lang kami.
Hindi din kami makapag saya dahil bukod sa gabi na kami nakakauwi ay pare pareho kaming grounded.
"Mag walwal tayo after nito" excited na sabi ni Dom.
"may training kayong dapat habulin" paalala ko sakanila. Dahil hindi sila nakakapag training ay kailangan nilang maghabol kung hindi ay sapilitan silang papalitan.
"Mas gusto ko pang mag training hanggang madaling araw kesa maglinis" reklamo ulit ni Pat
"Lalo na ng locker niyo" masamang tiningnan ni Pat si Dom at Aiden.
"Bakit ka sa amin nakatingin?" sabi ni Dom ng mapansing nakatingin si Pat.
"Ang baho, ang kalat niyo, sainyo ang may pinaka makalat at maamoy na lugar" sumang -ayon naman kaming dalawa ni Elaine.
Naalala ko ng unang pumasok ako dun para maglinis, napaatras ako dahil sa amoy. Amoy pawis ang mga pinagbalatan ng shampoo at sabon ay nakakalat. May mga t-shirt pa na nakasabit at basang basa. At ang ibang mga bola nila hindi maibalik sa tamang lagayan.
"kahit bola hindi mailagay sa tamang lagayan" dagdag ko pa.
"hayaan niyo pagsasabihan ko sila" pag mamayabang ni Dom na para bang siya ang captain ng team nila.
"Ang hangin mo talaga, wake me pag tumunog ang bell" hindi naman nagsalita pa si Dom at nahiga nalang. Ngayon masasabi ko talagang mga pagod sila dahil imbis na mag bangayan ay ayan sila mga nakahiga at natutulog.
Nandito kami sa mga bleachers sa may field, hindi naman mainit dahil may mga bubong ang bleachers at may mga puno din kaya mahangin.
"want to sleep, I'll wake you up" bulong ng katabi kong si Aiden.
"You, hindi ka ba matutulog" umiling siya.
"Walang gigising sainyo, lets just set an alarm" suggestion ko. Tumawa naman siya.
"The last time na nagset tayo ng alarm pare parehas tayong nalate" yes naalala ko sa sobrang pagod namin kada break ay natutulog nalang kami at sa sobrang himbing ng tulog namin ay kahit alarm ay hindi kami nagising.
"wake me after 30 mins, para makatulog ka" tumango siya at sinandal ang ulo ko sa balikat niya.
"wake me after 30 mins okay?" paniniguro ko tumango naman siya kaya hinayaan ko ang sarili kong matulog sa mga balikat niya.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatulog, nagising ako ng may humahaplos sa pisngi ko pero hindi ako dumidilat. Hinayaan ko lang haplusin niya ang pisngi ko at tanggalin ang mga buhok na tumatakip sa mukha ko.
Kahit nakapikit na ay mas lalo ko pang ipinikit ang mata ko, dahil nararamdaman ko ang pag hinga niya. Is he going to kiss me while I'm sleeping? No way nasa school kami? Pero kami kami lang ang nandito at tulog pa siguro ang mga kasama namin.
"what are you thinking?" napadilat ako ng magsalita siya at nakangiti. Hindi ako nagsalita kaya pinitik niya ang noo ko. Napahawak ako sa noo ko at tiningnan siya ng masama.

BINABASA MO ANG
Leading in Into You
RomansaAng gusto lang naman niya ay maiparamdam ang kanyang pasasalamat at pahanga sa isang lalaki. Ngunit hindi niya alam kung paano gagawin iyon. Kaya napagpasyahan niyang idaan nalamang ito sa isang sulat. Pero paano kung hindi napunta sa tamang tao ang...