CHAPTER 2
Hanggang ngayon ay naiinis parin ako dahil sa lalaking yun, ang lakas makapag sabi ng fan girl ako hindi na nahiya sa anak niya ang cute pa naman hay.
At Hanggang ngayon ay hindi ko parin makita ang classroom ko. Ilang minuto nalang mag uumpisa na ang klase at hanggang ngayon ay parang sisiw ako na naghahagilap. Nahihiya naman ako mag tanong sa mga students. Nakakainis naman kasi umuurong ang dila ko tuwing may kaharap akong hindi ko kilala.
Asan ba kasi ang building ng senior high school. Pinipitik ko na ang ulo ko dahil hindi ko matandaan ang instruction na binigay samin ng nag orientation kanina. Kasalanan to lahat ng bwiset na lalaki na un kung hindi ko sya nakita ay nakapagfocus sana ako sa orientation at hindi ako nawawala ngayon. Bakit ba palagi nalang ako nawawala. Nagiging habit ko na yata to. Hindi na ba ako magugulat kung hindi ko makauwi mamaya sa bahay.
"oh my!" ngayon ko lang napagtantong hinatid ako ni daddy at hindi ko alam ang daan.
Mamaya ko nalang iisipin yon ang mahalaga ngayon ay mahanap ko ang classroom ko. One in a time lang dapat ang pag solve ng problema.
Napag desisyunan kong magpunta sa kabilang building kapag wala pa doon ang room ko ay maglalakas loob na akong magtanong.
Pagkadating ko sa building ay cheneck ko agad ang mga rooms at sections. Nadismaya ako ng hindi ko makita ang room ko. Pawis na pawis at hingal na hingal ako habang umaakyat sa third floor. Bawat hakbang ko ay dinadasalan ko na sanay nandito na ang room ko. Pag karating ko inisa isa ko agad ang name ng sections and to my dismay wala parin ang room ko. Parang gusto ko nalang umiyak sa sulok at wag ng pumasok.
"nawawala kaba?" nagulat ako ng may kumalabit sa akin, pag kaharap ko agad akong napangiti dahil base sa kanyang uniform ay isa siyang teacher. Agad agad akong nag tanong sakanya kung saan ang building ng room ko.
"wait anak may tatawagin lang ako" umalis siya at may tinawag na student. Nagulat ako sa kasama niyang estudyante. At parang sasabog na ang aking ulo dahil sa inis.
"Aiden isabay mo na si, wait what's your name iha?" ngumiti sa akin si Maam at nilahad ang kamay nya para maituro ako sa lalaki na nasa aking harapan.
"Scarlet Ria po Maam, Scarlet nalang po" ngiti ko sa guro na nasa aking harapan.
"nice to meet you iha, I'm Mrs. Cruz, mag sabay na kayo nitong si Aiden pareho naman kayo ng room na pupuntahan, and don't worry iha hindi ka iwawala niyang si Aiden kabisado niya itong school nato" hinabilin niya ako sa hunyango na to at nagpaalam na siya para magpunta sa klase niya nagpasalamat naman ako. Hindi pa man din nakakalayo si Mrs.Cruz ay narinig ko ng bumuntong hininga ang katabi kong lalaki. Na para bang hindi siya natutuwa. Well boy the feeling is mutual at nakakainis pa at magkaklase kaming dalawa pwede pa kayang magpalipat ng room.
"Follow me idiot" pag kasabi niya nun ay nagsimula na siyang maglakad. At dahil wala na akong lakas para sumagot sakanya ay sinundan ko nalang siya.
Habang naglalakad kami ay pinapasadahan ko ng tingin ang paligid, nakakailang nga lang dahil ang daming matang nakasunod sa amin , hindi ko alam kung bakit. Binaliwala ko nalang iyon, Ngayon ko lang napagtantong napakalaki talaga ng school nato. Nahahati kasi ang school sa senior at junior . At nahahati pa ang building ng senior sa mga track at strands na pinili mo bali may three buildings sa mga senior, one for Academic, Technical Vocational Livelihood and Sports and Arts.
Nakita kong lumiko siya papunta sa isang building ito na siguro ang building namin. Binilisan ko ang lakad ko dahil binibilisan niya ang lakad niya. Alam ko namang malalate na kami pero pwede bang paki bagalan ng kahit konti lang sumasakit na paa ko dahil sa bilis niya. Gusto sanang magreklamo kaya lang ay parang hindi naman makikinig sa sakin tong hunyango na to.

BINABASA MO ANG
Leading in Into You
RomansAng gusto lang naman niya ay maiparamdam ang kanyang pasasalamat at pahanga sa isang lalaki. Ngunit hindi niya alam kung paano gagawin iyon. Kaya napagpasyahan niyang idaan nalamang ito sa isang sulat. Pero paano kung hindi napunta sa tamang tao ang...