Chapter 15

19 7 0
                                    

CHAPTER 15

Nasa biyahe kami ngayon ni Dad dahil sumama ako sa pag sundo kay manang ilang buwan ko din siyang hindi nakita. Si manang ang nag – alaga sa akin simula bata palang ako. Para na siyang nanay sa akin at hindi lang sa akin kay Pat din. Nalungkot nga siya ng umalis si Pat patungong States. Tiyak matutuwa si manang pag nalamang nakabalik na si Pat dito sa Pilipinas.

Nandito na kami ngayon terminal ng bus hinihintay si Manang. Habang nag hihintay nagpaalam muna ako kay Dad na bibili ako ng maiinom at ng donut. Ito talaga ang paborito ko tuwing umaalis at nagpupunta sa mga terminal ng bus itong donut.

"Dad you want some?" alok ko kay dad at kinuha naman niya ang isang donut.

"Dad what time po ang dating ng bus na sinasakyan ni manang" tanong ko kay dad at kumagat sa donut ko. Tumingin naman siya sa relo niya.

"maya maya nandito na siguro iyon mga 20 minutes pa" tumango naman ako kay Dad.

Pinagmamasdan ko ang mga tao na bumababa sa bus ng naramdaman kong nag vibrate ang phone ko.

Patricia:

"Is manang with you na ba?"

Reply:

Wala pa hinihintay pa namin.

Patricia:

"Text me pag papunta na kayo dito sa shop."

Reply:

"Okay."

Balak kasi naming i- surprise si manang sa shop. Nagtutulong sila nila Mom na mag- ayos ngayon sa shop.

"there she is!" turo ni dad kay manang na palingon lingon sa bawat direksyon. Siguro ay hinahanap kami.

"manang!" tawag ko sakanya at tumakbo palapit sakanya.

"ay jusko lalong gumanda itong alaga ko" ngiti sa akin ni manang at niyakap ako. Niyakap ko din siya pabalik.

"siyempre naman manang" at kumindat ako sakanya. Natawa nalang kaming dalawa.

"Manang kamusta?" tanong ni Dad at kinuha ang mga bagahe ni manang.

"ayos naman Alexis nasan si Amelia"

"nasa shop may inaasikaso po "

"tara na po manang" aya ko kay manang.

Tenext ko naman si Pat na pabalik na kami.

"manang kamusta na po ang anak niyo?" tanong ko sa kanya.

"okay na siya iha, salamat sa mom at dad mo?" ngiti sa akin ni manang at binalingan din ng ngiti si Dad.

"ano ka ba manang maliit na bagay lang iyon kumpara sa mga nagawa mo sa amin" sagot naman ni dad.

Nagkamustahan lang kami habang nasa biyahe, pati si Manang ay natuwa ng malamang nakabalik na kami sa aming lugar. Nagsasawa na rin daw kasi siya sa usok sa Manila.

Ilang oras din ang tinagal ng biyahe dahil medyo na traffic kami. Kagaya ng napag –usapan sa café kami ni mom nagpunta.

"Flower Café" basa ni manang sa name ng shop ng makababa siya ng sasakyan.

"nilipat niyo na rin dito ang shop niyo?" tanong ni manang sa akin. Umiling ako.

"Manang enexpand ni Mom ang business niya at nagtayo ng bagong branch dito"  tumango naman si manang habang  sinisilip ang loob

Inaya ko na si Manang sa loob naka sunod naman sa amin si dad. Pagkapasok sa loob ay sinalubong nila si Manang ng party popper.

"welcome back!" hiyaw nilang lahat na nasa loob ng café.

Leading in Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon