CHAPTER 28
"Sleepover Sleepover Sleepover" Pat chanting while tapping the table.
"Pat bakit ba gusto mong mag sleepover?" tanong ko kay Pat. Tumigil naman siya sa pag tatap ng table at pag chachant ng spell niyang sleepover.
Nandito kami ngayon nakatambay sa garden ng school at naka upo sa picnic table. At hinihintay si Elaine dahil may meeting ang lahat ng President at Vice President ng buong school. Si Pat kasi ay maagang natapos ang practice niya. Naisipan kasi naming mag meryenda sa cafe ni Mom kaya sabay sabay na kami at naghihintayan.
"kasi may kailangan kayo ikuwento sakin ni Elaine, saka sabi mo in ka" nakasumalmal niyang sagot. Ilang beses niya na kasi akong kinukulit sa kung anong nangyari sa date namin ni Warren. At kinukulit naman niya si Elaine tungkol sa lalaking pumuporma daw kay Elaine.
"Pat wala naman dapat ikuwento" hindi naman siya sumagot pero nag patuloy siya sa pagchant at pag tap ng table.
Kahit nga si Warren ay tinatanong niya kung anong nangyari sa date namin. Buti nalang at hindi madaldal si Warren. Sayang at hindi siya makakasama sa amin ngayon sa cafe ni mom, nauna na kasi siyang umuwi dahil may aayusin pa daw siya. Hindi naman ako nagtanong kung ano ang aayusin niya.
"why ang tagal ni Elaine?" pagmamaktol ni Pat na ngayon at hinihilot ang palad. Nanakit na siguro kaka tap sa table.
"madami sigurong pinag -uusapan, hayaan mo na, maghintay muna tayo dito" sabi ko pero nakanguso parin siya.
"Ey yow!" sigaw ng papalapit na si Dom at kumakaway pa. Hay kasama din pala namin sila Dom na magpupunta sa cafe ni Mom wala namang nag -aya sa kanya sinama lang niya talaga ang sarili niya at hinatak niya pa si Hunyango para sumama.
"oh I thought hihintayin mo sila hanggang matapos, why are you here? dun ka chupi" pagtatanong at pagpapalayas ni Pat kay Dom. Pero wala namang pinapakinggan si Dom kaya umupo parin siya sa puwesto namin.
"ang tagal nangangawit na din ako sa labas" sagot ni Dom at nag labas ng chichirya na agad namang inagaw ni Pat.
"thank you" sabi ni Pat habang kinakain na ang chichirya ni Dom.
"akin yan eh" reklamo ni Dom.
"Penge lang damot nito"
"hindi ka nanghingi, nang -agaw ka" kinuha ulit ni Dom ang chichirya sa kamay ni Pat.
Nag- agawan sila hanggang sa sumabog ang chichirya sa table at damo.
"ayan kasi, it's your fault" paninisi ni Pat.
"ako pa ikaw kaya tong agaw ng agaw" sisi ni Dom.
Sumasakit ang ulo at tenga ko dahil sa bangayan nila.
"tumigil na nga kayo, damputin niyo nalang yang mga nalaglag, parehas naman kayong may kasalanan nag sisisihan pa kayo." saway ko sa kanila.
"Ria nakita mo naman siya ang may kasalanan" banat pa ni Pat.
"Pat bakit ako ang may kasalanan ha" sagot ni Dom. Bago pa mauwi Part two bangayan nila ay agad akong umawat.
"Sabi ko tigil na eh, damputin niyo na yang mga kalat."
"Pero-" hindi na natuloy ni Pat ang sasabihin niya.
"walang pero pero dampot bilisan niyo, look ang linis dito kayo lang ang dumumi" lumingon naman sila sa paligid.
"Oo na" dinampot na nila ang mga nalaglag na chichirya.
"sayang ang chichirya ko" sabi ni Dom habang bumubuntong hininga at dinadampot ang mga chichirya.
BINABASA MO ANG
Leading in Into You
RomanceAng gusto lang naman niya ay maiparamdam ang kanyang pasasalamat at pahanga sa isang lalaki. Ngunit hindi niya alam kung paano gagawin iyon. Kaya napagpasyahan niyang idaan nalamang ito sa isang sulat. Pero paano kung hindi napunta sa tamang tao ang...