CHAPTER 7
Natapos na ang isang lingo ng hindi ko manlang nakakausap si Warren. Pagkatapos ng sagutan nila ni Aiden ay hindi siya pumasok ng mga sumunod na araw. Bakit kaya hindi siya pumapasok. Sana ngayon ay pumasok na siya.
Walang gana akong nagpunta sa banyo tumulala muna ako bago galawin ang toothbrush ko sa loob ng bibig ko. Parang ayokong pumasok ngayong araw nakakatamad. Mukha lang ni hunyango at ni Dom ang makikita ko. Buti nga at hindi masyadong mapang- asar si Aiden ng mga nakaraang araw pero iniinis parin niya ako, ang dahilan niya nasisiyahan daw siyang nakikitang badtrip ako. Si Dom naman ay todo ang ship sa aming dalawa. Kami naman ay panay ang pandidiri sa pag shiship ni Dom.
Kung alam lang ni dom na may anak na si Aiden, kung puwede lang sabihin para hindi na niya ako iship dun ginawa ko na.
Tinuloy ako nalang ang daily routine ko ng maayos na ang lahat ay bumaba na ako para mag breakfast.
"goodmorming mom and dad" I kissed them on their cheeks. They greeted me back and smile.
"I'll be in Manila for a week" dad said while slicing his bacon.
"kailangan ka aalis pa Manila?" Mom ask and look at dad ako rin ay napatingin kay Dad hinihintay ang sagot niya. Sanay naman na kami na umaalis si Dad at ilang araw na ang balik wala naman kaming magagawa kasi trabaho niya iyon.
"I'll be leaving tomorrow so maaga akong uuwi ngayon para makapag bonding tayo bago ako umalis, let's meet up sa Mall, its that ok? Or you want me to fetch you two?" tanong ni Dad sa amin.
Si mom ay nagpasundo ako naman ay hindi gusto kong ako mismo mag-isa ang pupunta sa Mall experience din yon.
Pagkatapos mag breakfast ay pumasok na ako sa school. Bawat hakbang ko ay ang bigat. Parang ayaw maglakad papunta sa school. But I end up in front of our school. I let out a deep sigh. At pumasok sa loob ng school namin. Nakakailang hakbang palang ako ay may tumawag nasa pangalan ko. Kaya napahinto ako
"why?" walang gana kong tanong
"woah ang taas naman ng energy mo" imbis na sagutin ang tanungin ko ay namilosopo pa itong si Dom. Nakita ko naman si Aiden na papalapit sa amin.
"sa sobrang taas gustong kitang ibalibag" tumawa naman siya. Tinalikuran ko na siya pero inakbayan niya ako at sabay sabay na daw kaming pumasok sa room namin.
Itong si Dom talaga feeling close. Akala mong matagal na kaming magkakilala kung makaasta. Pero hinayaan ko nalang siya nakakapagod ihandle si Dom, pag inalis ko ang braso niya ay parang magnet itong bumabalik. At isa pa sila lang namang dalawa ang lagi kong kasama at kausap ko ng wala si Warren.
Nakakagulat nga at hindi siya nagtatanong tungkol sa nangyari kila Aiden. Sabi niya lang sakin "magkaibigan kami pero kung ayaw niyang sabihin i respect that and not cross the line" respect respect pa siyang nalalaman pero ng sinabihan ko siyang wag pakialaman ang ginagawa ko hindi nakinig ang loko at patuloy lang sa panggugulo sa akin.
Napahinto kami ng may madaanan kaming nag kukumpulan. Ang aga aga may gulo na naman dito. Hindi ko na dapat papansin kaya lang ay hinila ako ni Dom palapit dun. Mag rereklamo na sana ako na ayokong makipagulo doon kaya lang ay may narinig akong pamilyar na boses. Kaya agad akong napatakbo doon. Tumatawag pa si Dom kaya lang ay hindi ko na siya pinansin. Naramdaman ko namang sumunod siya pati si Aiden ay sumunod narin.
Habang papalapit ako ay mas malinaw kong naririnig ang mga sagutan nila.
"what the hell? leave her alone" sigaw ng pamilyar na boses if hindi ako nagkakamili boses niya iyon. Hindi ko makita ang buo niyang mukha dahil naka cap siya. Pero sigurado akong siya iyan.

BINABASA MO ANG
Leading in Into You
RomansAng gusto lang naman niya ay maiparamdam ang kanyang pasasalamat at pahanga sa isang lalaki. Ngunit hindi niya alam kung paano gagawin iyon. Kaya napagpasyahan niyang idaan nalamang ito sa isang sulat. Pero paano kung hindi napunta sa tamang tao ang...