CHAPTER 13
Hindi ako nakatulog ng maayos salamat sa dalawa kong kaibigan. Kung ano ano kasi ang mga pinag sasabi nila sa akin. Ako tuloy, ayun hindi nakatulog kakaisip. Buti pa sila masarap ang tulog kagabi. Feeling ko tuloy ay hindi ako makakapagsagot ng maayos sa exam. Sayang lahat ng inaral ko mukhang nawala ng parang bula.
"Ria can you walk faster please" sigaw sa kin ni Pat ang layo na pala nilang dalawa.
Kakagaling lang namin sa lugawan. Naisipan kasi ni Pat na dito mag breakfast sa may lugawan kahelera lang ng school namin. Kami naman ni Elaine ay napapayag niya dahil ayaw niyang tumigil kaka lugaw.
Ngayon ay pabalik na kami sa school, nauuna silang dalawa dahil bukod sa iniisip ko ang mga sinabi nila kagabi ay busog ako, baka biglang bumalik ang kinain ko pag binilisan ko ang lakad.
"go ahead, nakasunod pa naman ako" hindi ko binilisan ang lakad ko. Nakita ko naman silang nagbulungan at lumapit sa akin at bigla bigla nalang akong hinila.
"hoy stop, tigilan niyo" hiyaw ko dahil hinihila nila ako at sila ay tumatakbo wala tuloy akong nagawa kundi ang tumakbo na rin kaysa makaladkad nila ako.
Hinihingal kaming nakarating sa tapat ng school, sinamaan ko naman sila ng tingin sila naman ay tumawa habang naghahabol ng hininga.
Hindi ko tuloy alam kung iduduwal ko ba ang kinain ko o hihinga nalang ng malalim dahil hinihingal ako.
"bakit kayo hinihingal mga ineng?" tanong sa amin ng guard ng makita kami.
"tumakbo po kami akala namin late na kami" pagdadahilan ni Pat alam niyang hindi pa kami malalate.
"ah ganun ba maaga pa naman"
"oo nga po, sige po kuya pasok na po kami" pumasok na kami sa loob ng school.
Habang masaya kaming nag kukuwentuhan habang naglalakad ay nadaanan naman ang kampo nila Olivia.
"oh ang sang sang ng amoy" dinig naming sabi ni Olivia ng dumaan kami sa harapan nila. Inamoy ko ang paligid hindi naman mabaho hindi naman masang sang ang amoy. Hindi na sana namin siya papansinin kaya lang ay nag salita ulit siya.
"amoy nerd, malandi at pakialamera" tumawa pa siya at nakipag apir sa mga kaibigan niya or should I say mga galamay niya.
"ang baho nangangamoy desperada" sigaw ni Pat na pinapaypay pa ang kamay sa hangin at hinawakan pa ang ilong niya.
"stop Pat, wag mo nalang pansinin, lets go" hila ko sakanya. Exam ngayon hindi na nga ako nakatulog ng maayos. Mapapaaway pa kami.
"what did you just say?" tanong ni Olivia kay Pat. Si Pat naman ay tumingin sa likod niya at ng makitang walang tao dun kaya tinuro niya ang sarili at sinabing ako ba ang tinutukoy mo. Parang uusok na sa sa galit si Olivia.
"okay kung mapilit ka uulitin ko ang sinabi ko, amoy desperada dito, alam mo ba kung saan nang gagaling ang amoy" sinaway ko naman si Pat dahil ayaw niya pang tumigil.
"you shut your fucking mouth" banta ni Olivia kay Pat.
"why will I shut my fucking mouth, kung tinatamaan ka sa sinabi ko it means totoo, kaya ikaw ang mag shut up diyan before I kick your fucking mouth"
"lets go iwan nanatin ang desperadang yan, nakakastress, dapat sa exams tayo ma stress wag sa desperada" hinila na kami ni Pat. Narinig pa naming humiyaw si Olivia pero tinawanan lang siya ni Pat.
"Pat sana hindi mo na pinatulan" sabi ko kay Pat at sumangayon naman si Elaine.
"habang pinapatulan mo si Olivia, hindi titigil iyon" sabi pa ni Elaine.
BINABASA MO ANG
Leading in Into You
RomansAng gusto lang naman niya ay maiparamdam ang kanyang pasasalamat at pahanga sa isang lalaki. Ngunit hindi niya alam kung paano gagawin iyon. Kaya napagpasyahan niyang idaan nalamang ito sa isang sulat. Pero paano kung hindi napunta sa tamang tao ang...