CHAPTER 34
Nandito kami ngayon sa isang coffee shop nag order muna kami ng drinks habang wala pa si Pat, Mainit kasi kung sa may park kami maghihintay walang masisilungan, baka masunog kami sa araw.
"Magandang morning to all of you" malakas na bati ni Pat. Kaming tatlo ay nakatingin sakanya dahil late na late siya.
"Wow ibang klase ka talaga Pat" hangang sabi ni Dom.
"Yes my bestfriend is absolutely amazing" pagsang -ayon ko.
"Akalain mo yon Pat ikaw nagset ng time na 10 A.M tapos 12 kana dumating, amazing" pumalakpak pa si Dom.
"Sorry na, pagod sa practice kaya tinanghali ng gising"
"Oo na kumain na muna tayo, nagugutom na ako"
"Pat kain lang muna kami, baka naglunch kana sainyo" biro ni Dom.
"Hindi pa ako naglulunch no, suntukin kita diyan makita mo" nagtago naman si Dom sa likod ni Elaine.
Kami nalang ni Elaine ang naghanap at nag decide ng makakainan namin dahil ayaw naman tumigil sa bangayan ng dalawang kasama namin.
Muntik pa nila matumba ang isang mannequin nagsorry naman sila agad sa sales lady, pero walang kadala dala ang dalawang to at nagsisihan pa pagkalagpas namin sa mannequin.
"Sometimes gusto ko nalang magbaon ng tape para sa bibig nila" bulong ni Elaine at bumuntong hininga pa.
"Sana nazizipper ang bibig nila" tumango naman si Elaine.
Matapos ang mahabang paghahanap ng makakainan ay sa isang fast food chain nalang kami kumain, dahil ito nalang ang may vacant na table na kasya kaming apat.
"Ayon nagkasilbi ka rin" sabi ni Pat pagkalapag ni Dom ng mga pagkain sa table namin.
"dapat pala hindi ko kinuha yun- aray!" pinukpok ni Pat si Dom ng kutsara sa ulo.
"masakit yon ah"sabi ni Dom habang hawak hawak ang ulo niya. Si Pat naman ay humingi ng sorry pero tumatawa.
"kain na" aya ni Elaine kaya naman kumain na din sila.
Habang kumakain ay napag -usapan namin kung anong regalo ang ibibili namin kay Ace.
Inimbitahan din kasi sila. More on nang -imbita si Dom, at pumayag naman si Hunyango.
Pagtapos naming kumain ay nagpunta na agad kami sa pamilihan.
Dito kami namimili ngayon sa isang malaking pamilihan na mas mura ang bilihin kaysa sa mga mall. Para siyang divisoria. Itinuro lang ni Elaine sa amin ang bilihan na ito.
"I need this" binili ni Pat ang isang malaking pamaypay. Naiintindihan ko naman siya dahil mainit talaga, dahil hindi naman aircon ang lugar pero may bubong naman. Medyo may karamihan din ang namimili at ang ibang store ay siksikan sa loob.
Naglakad lakad muna kami naghahanap ng mga mabibili para kay Ace.
"wait" nahinto kami at sinundan si Pat. Dahil nagderederetso siya sa isang bilihan ng mga damit.
Kinuha niya ang isang damit na naka hanger.
"Lamborgini" basa niya. At tiningnan kami."parang may mali" dagdag niya pa.
"Lamborghini without H" tawang tawang sabi ni Dom at tinuro pa ang damit.
"Maghanap ka pa sa loob baka may tama ang spelling diyan" sabi ko nalang. Naghanap naman siya at ganun din kami.
BINABASA MO ANG
Leading in Into You
RomanceAng gusto lang naman niya ay maiparamdam ang kanyang pasasalamat at pahanga sa isang lalaki. Ngunit hindi niya alam kung paano gagawin iyon. Kaya napagpasyahan niyang idaan nalamang ito sa isang sulat. Pero paano kung hindi napunta sa tamang tao ang...