Chapter14

19 8 0
                                    

CHAPTER 14

Last day na ng exam ngayong araw, tapos na naming itake ang ibang mabibigat na subject kahapon, isa nalang ang mabigat na subject na itatake ngayon kaya medyo chill nalang kami ngayon. Hindi ko na rin nakikitang nagbabasa ng mga libro ang mga kaklase ko. Siguro ay medyo panatag na sila dahil konti nalang ang aaralin.

"Goodmorning Ria" masiglang bati sa akin ni Pat pagkapasok niya sa room.

"Goodmorning Pat" I just mouthed, lumapit naman siya sa akin paglapag ng bag niya at umupo sa harapan ko.

"wala pa si Elaine?" tanong sa akin ni Pat.

"Wala pa"

"malalate ba siya?"

"text mo kaya" sabi ko sakanya at nilabas niya ang phone niya. Para itext si Elaine.

Pagkatapos niyang itext si Elaine ay ilang sandali lang ay naramdaman ko na nag vibrate ang phone ni Pat. Nakapatong kasi sa desk ko.

"Ano sabi ni Elaine" tanong ko ng hindi siya nagsasalita at nakatingin lang sa phone niya.

"We have a problem" kinabahan ako sa sinabi niya. may nangyari bang masama kay Elaine.

"why? Ano nangyari kay Elaine" nag –aalala na ako. Hindi siya nagsalita pero pinakita niya sa akin ang text ni Elaine

Elaine:

Tinanghali ako ng gising, nag –aabang palang ako ng sasakyan.

Cheneck ko ang oras sa relo ko 7:30. Baka umabot pa siya 8 naman ang start ng exam.

Kinuha ko ang phone ni Pat at ako na ang nag reply.

Pabilisan mo ang takbo ng sasakyan mo para makaabot ka.

Elaine:

Iyon nga ang problema hanggang ngayon ay wala pang sasakyan ang dumadaan.

Oh my gash ano ang gagawin namin. Strict pa naman ang magbabantay sa amin ngayong araw. At ang una naming itatake ngayon ay ang natitirang major subject.

"may problem ba?" tanong sa akin ng kararating lang na si Warren.

"yes we have" si Pat na ang sumagot at nagpaliwanag. Nakita kong nag isip si Warren.

"hey guys why are you all wearing a serious face" tanong naman ni Dom. And again pinaliwanag ni Pat ang nangyayari.

"I'll pick her, asan ba siya?" napatingin kami kay Dom.

"pano mo siya masusundo?" tanong ni Pat.

"dala ko motor ko" pagkasabi ni Dom ay tinawagan ni Pat si Elaine para malaman kung nasaan na siya. Nasa waiting shed daw siya malapit sakanila. Pina on naman ni Dom ang location sa phone ni Elaine para madali niya itong mahanap.

Limang minuto na ang nakakalipas ng umalis si Dom. At hindi namin alam kung nasan na sila. 7:45 na 10 minutes ang biyahe mula sa location ni Elaine kung mabibilisan ni Dom ay baka 5 minutes lang. 15 minutes nalang at darating na ang teacher namin.

" pigilan nating makapasok si Maam" sabi ni Pat.

"how?" tanong ko naman

"Aiden at Elaine tawag kayo ni Maam sa office"tawag sa sa amin ng isa mga kaklase ko.

"wala pa si Elaine" sigaw ni Pat.

"Kayo nalang Aiden at Scarlet ikaw naman ang secretary" Tumango ako at tumayo sa upuan ko  ng hawakan ni Pat ang kamay ko.

"aliwin niyong dalawa si Maam"

"what are you crazy Pat."

"Bagalan niyo lakad niyo papuntang office"

Leading in Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon