CHAPTER 9
Natapos na ang ilang araw at hindi parin daw maka pili si Pat kung kay Warren siya or kay Aiden. Sa bawat pili niya ay siya namang irap ko sakanya. Ng mga nakaraang araw kasi ay parang nagiging sweet si Warren sakin or kami lang ang nagbibigay ng malisya. Si Aiden naman ay ganun parin walang pinag bago nakakainis parin.
Nandito kami ngayon sa Cafeteria ng school. Umupo muna kami bago kami kumuha ng pagkain dahil baka maubusan kami ng upuan. Nagprisinta na si Warren na siya na ang oorder ng pagkain namin at magbantay nalang daw kami ng table. Pero hindi naman niya kayang dalhin lahat kaya nag prisinta si Pat na samahan si Warren.
"Scar want do you want to eat?" Warren ask me.
"I want pasta and bread" ayokong mag rice today. At nag cracrave din ako sa pasta.
"ayaw mong mag rice?" tanong ulit sa akin ni Warren. Umiling nalang ako bilang sagot. Nagtanong pa siya kung ano ang drinks na gusto ko sinabi ko nalang na coke.
Si Pat naman ay tinanong si Elaine kung ano ang gusto niyang kainin. Mula ng sumabay sa amin sila Aiden mag lunch ng nakaraan ay hindi na iyon na sundan pa. Buti naman dahil ayoko ng makasabay sa pagkain iyong hunyango na iyon. Ang nakakatuwa ay lagi nanaming kasabay sa pagkain si Elaine.
Tahimik lang kami ni Elaine ng naghihintay sa table ng may maalala ako.
"Elaine puwede ka ba this Saturday?" sandali pa siyang nag –isip bago sumagot.
"wala naman, bakit?"
"gusto mo sumama sa amin this Saturday, opening ng Shop namin. Pat will be there" nag – isip pa siya kung sasama siya or hindi.
"Please Elaine masaya pag kumpleto tayo" pinipilit ko siya kaya hindi ko napansin na nandito na pala sila Warren. Nilapag ni Warren sa harap ko ang pagkain ko kaya nag thank you ako sa kanya.
"so ano pinag- uusapan niyo?" tanong ni Warren pagka upo niya sa tabi ko.
"im just inviting Elaine na umatted sa Opening ng shop namin. You Warren are you available this Saturday gusto mo sumama?" tanong ko naman kay Warren at pumayag naman siya at na ngako pa siya na kahit anong mangyari ay pupunta siya.
"Sumama kana Elaine masaya pag kasama ka" pag tulong sa akin ni Pat na pilitin si Elaine. Buti nalang ay napilit namin siya.
Nang matapos kami sa aming lunch ay tumambay muna kami sa bench para magpahangin. Hindi naman mainit dahil natatakpan ng malaking puno ang sikat ng araw.
"nagbabasketball pala si Aiden?" napatingin ako sa tinitignan ngayon nila Pat. Naglalaro ng basketball si Aiden at Dom two versus two yata magkakampi sila Aiden at Dom hindi ko kilala ang kalaban nila. Nakita ko naman sa gilid si Olivia na nag checheer.
"tara manonood tayo" aya sa amin ni Pat. Si Elaine naman ayaw dahil andun si Olivia ako rin ayoko.
"Come on guys lets go watch them!" pangungulit sa amin ni Pat pero walang sumasagot sa kanya. Kahit si Warren ay hindi nagsasalita nakatingin lang ang mga mata nito kay Olivia.
Ano ba ang meron kay Olivia, may kinalaman kaya ito sa away nila ni Aiden.
Nawala ang pag- iisip ko ng nagsalita ulit si Pat
"sandali lang promise kahit hindi natin matapos ang game." Bununtong hininga naman ako at pumayag na alam ko naman kasi na hindi siya titigil sa pangungulit. Dahil pumayag ako ay pumayag narin si Warren kahit kita naman sa mukha niya na ayaw niya o nag -aalangan siya. Si Elaine ay wala ng nagawa dahil hinila na siya ni Pat.
Hindi pa mandin kami nakakalapit ay nakita ko na ang mukha ni Olivia na naka irap sa amin. Hindi ko nalang siya pinansin.
Nagshoot si Aiden at nashoot naman iyon sa ring. Hindi ko alam kung sino ang lamang siguro ay sila Aiden dahil sila lang ang nakikita kong nakakashoot yung kalaban ay nakakashoot naman pero ang iba nilang shot ay hindi pumapasok.
BINABASA MO ANG
Leading in Into You
RomanceAng gusto lang naman niya ay maiparamdam ang kanyang pasasalamat at pahanga sa isang lalaki. Ngunit hindi niya alam kung paano gagawin iyon. Kaya napagpasyahan niyang idaan nalamang ito sa isang sulat. Pero paano kung hindi napunta sa tamang tao ang...