CHAPTER 36
Nag swi -swipe ako ng mga damit sa online para sa date namin ni Aiden, hindi ko alam ang dami dami kong damit pero wala akong mapili.
Ang cute naman ng dress nato, pero baka sa Amusement Park ako dalhin ni Hunyango, hindi ganong kumportable ang dress pag ganun.
Kasi naman ayaw pang sabihin sa akin kung saan kami pupunta ng mapaghandaan ko.
Nag scroll pa ako ng mga tops naagaw ng pansin ko ang isang kulay rosas na frill smocked crop tank top na parang corse, at lace strap niya na puwedeng i-ribbon, may konting raffles din sa may hem ng damit.
Agad kong cheneck out ang damit, ipapartner ko nalang yon sa may itim kong high waist na pants.
Mabilis na tapos ang araw ng hindi ko namamalayan. Hindi ko na masyadong iniiwasan si Aiden pero hunyango parin siya. Lagi kaming sabay umuwi hinahatid niya ako sa bahay at sinusundo. Mas naging malapit kami sa isat -isa.
Hindi din lumilipas ang isang araw na hindi niya pinapaalala ang date naming dalawa na kung minsan ay ang sakit na sa tenga, akala mo namang ulyanin ako. Siya pa mismo ang naglagay ng reminder sa calendar ko.
Gumagayak na ako pero tunog ng tunog ang phone ko, hindi na ako nag abalang tingnan ang mga messages sa phone ko dahil alam kong sila Pat yon. Simula ng malaman ni Pat na pumayag na akong lumabas kami ni Hunyango ay panay siya paalala ng use condom, ipinapaliwanag pa niya sa akin ang mga safe sex, contraceptives. Magdadate lang naman kami hindi pa naman kami magpapamilya.
Inayos ko na ang suot kong damit hinigpitan ko ang lace ng ribbon sa shoulder ko.
"Manang masyado bang maiksi ang damit ko" tiningnan naman ako ni manang at sinuri.
"ayos lang iha ang ganda mo, may date ka" nginitian ko si manang at nagpasalamat. Ayoko pang sabihin sakanila may date kami ni Hunyango.
Tulad ng dati kong ginagawa ay kinulot ko ng dulo ng buhok ko at inayos hanggang sa magmukhang wavey. Sinuot ko ang aking Brooklyn Low Wedge Sandals na pink para partner sa tops ko and black pants.
Bumaba na ako dahil nag text si Hunyango na nasa labas na siya.
Pag labas ko bumungad agad sa akin ang pagmumukha ni Hunyango, naka oversized polo siya at cargo shorts, Puro plain ang suot niya pero bagay na bagay sa kanya. Minsan talaga may pinagbabagayan ang damit.
"Saan ba tayo pupunta?" agad kong tanong sakanya. Ngumiti lang siya at sumakay sa motor.
"May motor ka? do you have license"
"Isasakay ba kita sa motor kung wala" May mga nagbago sa pakikitungo sa akin ni Hunyango pero meron ding hindi nagbago, yun yong mga sagot niyang pabalang.
"Malay ko kung gusto mong mahuli tayo ng mga enforcer"
"We're going to a date not in the prison" dahan dahan niyang sinasabi at diniinan pa ang date at prison.
"San ba tayo pupunta"
"basta dami mong tanong, hop in" sinuot niya sa akin ang helmet at sumakay na ako sa motor.
"Pag talaga kung saan saan moko dinala tatamaan ka sakin" hindi siya sumagot, pinaandar niya na ang motor sabay preno kaya binatukan ko siya.
"Tigilan mo hindi ako yayakap sayo" narinig ko namang tumawa siya.
"Okay, but you can hugged me anytime you want"
"ang corny mo" Humawak ako sa balikat niya ng paandarin niya ang motor.
Mainam dito ako sa balikat niya humawak para malapit sa leeg niya at madali ko siyang masasakal pag may ginawa siyang kalokohan.
Pinagmasdan ko lang ang daan habang bumibiyahe kami, medyo inaantok ako pero kailangang pigilan dahil baka malaglag ako sa motor.
![](https://img.wattpad.com/cover/240558020-288-k429279.jpg)
BINABASA MO ANG
Leading in Into You
Roman d'amourAng gusto lang naman niya ay maiparamdam ang kanyang pasasalamat at pahanga sa isang lalaki. Ngunit hindi niya alam kung paano gagawin iyon. Kaya napagpasyahan niyang idaan nalamang ito sa isang sulat. Pero paano kung hindi napunta sa tamang tao ang...