Chapter 26

5 1 0
                                        

CHAPTER 26

Hinihilot ko ang sentido ko habang papasok ako ng gate ang sakit ng ulo parang pinupukpok. Nitong kasing mga nakaraang araw ay hindi ako makatulog dahil sa huyango kong kaklase. Pipikit palang ako ay biglang lalabas ang imahe niya. Para siyang kabuti na pasulpot -sulpot sa isip ko.

"hey Ria are you okay? you looked pale" Pat ask me. I just nodded and walk straight on my desk.

Ah, gusto ko ng iumpog ang ulo ko sa sobrang sakit. Kakausapin pa sana ako ni Pat kay lang ay dumukdok nalang ako sa desk ko, ayoko muna kumausap mas lalong sumasakit ang ulo ko, iidlip muna ako habang wala pa ang teacher namin.

Bigla akong nakaramdam na may humahaplos sa mukha ako, sino tong humahaplos sa mukha ko, dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at bumilis nanaman ang puso ko na parang may nagkakarerahang mga kabayo.

"Did you sleep well?" tanong sa akin ni Hunyango at pinatong pa ang baba niya sa desk ko dahilan kung bakit magkapantay na ang mga mukha naming dalawa.

"Don't sleep in the class" sabi sa akin ni Hunyango at hinaplos haplos pa ang mukha ko.

"Stop" sabi ko at hinawakan ang kamay niya.

"Don't touch me" I said, but parang wala lang ang sinabi ko hinaplos niya ulit ang mukha ko at ngumiti. Ayan nanaman ang puso ko parang may lamang kabayo.

At unti unting lumalapit ang mukha niya, parang dumoble ang pagdadabog ng mga kabayo sa dibdib ko.

"N-o" nauutal kong sabi. My first kiss kahit parang tinatambol ang dibdib ko ay nagawa ko pang sampalin ang lalaki sa harapan ko.

"aray" hindi boses ni Hunyango yon. Agad akong dumilat at nakita ko si Dom na namimilipit sa sakit habang hawak hawak ko ang kuwelyo niya.

Agad ko namang binitawan siya at humingi ng tawad. Was that a dream.

Dumako naman ang mata ko kay Hunyango na nakatingin sa akin habang nakapangalumbaba.

"Scarlet masakit, why did you slap me ?" tanong ni Dom pero nakatitig lang ako kay Aiden.

"What?" tanong ni Aiden ng mapansing nakatitig ako sakanya, bumaba nanaman ang mata ko sa mga labi niya. 

"Bathroom, yes I need to go to the bathroom" agad agad akong lumabas at nakasalubong ko pa ang teacher namin kaya nagpaalam ako na mag babanyo lang.

Pagpasok na pagpasok ko sa banyo ay naghilamos agad ako. Ano ba ang nangyayari sa akin. Nababaliw na yata ako. Nag hilamos ulit ako. Inayos ang sarili ko.

Imbis an pumunta sa room ay nagpunta nalang ako sa clinic dahil masakit parin ang ulo ko at ayoko din makita si Hunyango nababaliw yata ako tuwing nakikita ko siya.

Humingi ako ng gamot sa nurse at nahiga muna sa bed, tenext ko din si Pat nasa clinic ako at hindi muna ako makakapasok ng morning class namin. Late na nagreply si Pat.

"Okay, I'll tell our teacher, are you okay? Pupuntahan ka namin agad pag tapos ng klase."  nagreply nalang ako ng okay lang ako.

Nakahiga lang ako dito hindi din ako makatulog, nag flaflash back sa utak ko lahat. Buwiset kasi na hunyango yon at hinalikan ako sa noo at ngumiti pa.

Pumikit nalang ako kahit hindi ako makatulog.

Maya maya ay naramdaman kong may umupo sa kama at hinawakan ang noo ko. Siguro sila Pat lang yon. Kaya dumilat ako.

"Sabi ko ok-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng makita si Aiden na nakaupo sa tabi ko at sinasalat ang noo ko.

"you have fever" sabi niya sa akin at napahawak naman ako sa noo ko. 

Leading in Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon