Chapter 38

3 1 0
                                    

CHAPTER 38

Tinatamad ako habang nagbibihis ng PE uniform, bakit ba kasi may subject na PE. Parang ayoko ng lumabas at mag stay nalang dito, pero hindi puwede dahil kanina pa ako kinakatok nila Pat.

"Ayoko mag PE" iyon ang bungad ko sakanila pag bukas ko ng pinto ng cubicle.

"you have no choice sis lets go" hinila na nila ako papunta sa gym.

At bakit sa dinami dami ng sports bakit basketball pa ang PE namin ngayon. Hindi nga ako makapag dribol ng bola eh.

"hanap kayo ng kapartner niyo" lalapit na sana ako kay Pat kaya lang hinila niya ang isa naming kaklase, si Elaine naman dapat ang lalapitan ko kaya lang hinila na siya ni Dom, itong dalawang to may tinatago talaga tong mga to.

Naghanap ako ng mga kaklase ko na wala pang partner, napunta ang mata ko kay Warren na nakatingin sa akin.

"tayo ang partner" naramdaman ko ang braso ni Aiden sa balikat ko kaya naman inalis ko at kinurot siya sa tagiliran.

"aray" daing niya at hinawakan pa ang part na kinurot ko.

"hindi naman yan masakit" pero pinagpilitan pa niya na masakit natapos lang ang tantrums niya ng nagsalita na ang teacher namin at sinabi ang mga gagawin.

First na ginawa ay ang mag warm up, nag warm up lang kami, hanggang manggulo si Dom.

"nag aarm circles ba kayo o nag hoholding hands" pang -aasar  ni Dom. Hindi ko nalang pinansin dahil mas mapapagod ako kahit warm up palang. Kada palit ng exercise ay ganun din ang sinasabi ni Dom, parang prinactice niya ang mga pang -asar niya ngayon.

Warm up palang pero pagod na pagod na ako, pagkatapos ng warm up ay tinuro na ang mga basic sa basketball tulad ng Dribbling, Shooting, Defense, Rebounding, at Passing.

Pagtkatapos idemo samin ang limang basic na yon ay binigyan kami ng time para magpractice.

"tap the ball" tinap ko ang bola pero hindi naman nag bobounce. Kinuha niya ang kamay ko ay siya na ang nag dribble pero kamay ko ang gamit. Unti unti nakukuha ko na hanggang sa hinayaan niya na ako para matuto ako.

"Hindi ba kayo nasasaktan pag nagdridribble?" tanong ko habang hinahabol ang bola, dahil na out of balance ako sa pag dridribble.

"Hindi naman, kaya mo na ba mag dribble?"

"oo" pinakitaan ko siya ng pero hanggang tatlo lang ang kaya ko sa pag dribble at gumugulong na ang bola.

"Dribble the ball atlease five" sinunod ko naman siya, dahil no choice ako ayaw niyang mag next hanggang hindi ako nakakapag dribble ng maayos.

"One, two, three, four, five, six" nagtatalon ako dahil nakapag dribble ako ng more than five.

"very good" ginulo niya ang buhok  ko.

"I'm not a kid, next na tayo" tumawa siya at kinuha ang bola.

Madali naman ang passing at agad naman ako natuto. Sunod ay ang rebounding. Nag shoot si Aiden at kailangan ko daw makuha ang bola. Merong tumama ang bola sa mukha ko, buti at hindi dumugo ang ilong ko. So far nagawa ko naman siya, kailangan lang makuha ang bola kapag hindi nashoot ang bola sa ring.

"Okay Defense naman, huli na ang shooting" 

"Don't let me pass" sabi niya at tumakbo papunta sa akin habang nag dridribble, para siyang hangin hindi ko namalayan nakashoot na siya.

"Hinay hinay, hello varsity ka ako hindi" tumango naman siya habang tumatawa at lumapit sa akin.

"Itaas mo ang arms mo, try to get the ball" sinusubukan ko pero hindi ko makuha sakanya.

Leading in Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon