Chapter 4

33 20 0
                                    

CHAPTER 4

Habang busy ako sa pag aaral ng mga notes ay bigla akong nag crave sa ice cream. Bumaba ako at ini-scan ang ref namin para tignan kung meron  pang ice cream doon pero wala akong makita kaya nag paalam ako kay Mom na bibili lang ako sa convenient store malapit lang naman ito sa bahay namin dalawang kanto lang naman ang pagitan. Ewan ko nga bakit ako naligaw ng unang beses akong pumunta sa convenient store na yon.

Pagkalabas ko ay parang ayoko ng bumili alasa-is palang ay sobrang dilim na at ang ilaw nalang na nagbibigay ng liwanag sa daan ay ang mga street lights na parang hindi naman makakatulong para makita mo ang daan, ang isang ilaw pa at kumukurap kurap parang mapupundi na. Naglakas loob nalang ako at mabilis na naglakad papunta sa convenient store.

Hinihingal ako ng makarating sa store. Dumeretso ako kung nasaan ang mga ice cream. Kumuha ako ng ilang cornetto dahil paborito ito ni mom, kumuha din ako ng ibat ibang flavors ng ice cream sandwich. Pumila na ako sa couter. At ng mai-plastic ay nagbayad na agad ako at umalis na sa pila dahil may nakapila pa sa likod ko. Bago ako lumabas ay nahagip ng mata ko ang lalaki na papunta na sa counter nakahood siya kaya hindi ko makita ang mukha niya sandali ko pang pinagmasdan ang lalaki, para kasing pamilyar siya pero nagkibit balikat nalang ako baka kasi macreepyhan sa akin ang lalaki ako pa lumabas na masama,  kumuha ako ng isang ice cream sandwich sa plastic na dala ko, kakainin ko habang naglalakad ako pabalik sa bahay.

Masaya akong kinakain ang ice cream sandwich ko ng may maramdaman akong sumusunod. Binilisan ko ang paglalakad ko kumakabog na rin ang dibdib ko dahil sa sobrang kaba. Bahagya akong lumingon para makita ko kung sino ang sumusunod sa akin. Nakita ko ang kaninang lalaking nakahood mabilis na naglalakad habang pinapaikot ikot sa daliri niya ang plastic na dala niya. 

Nanghihina na ang tuhod ko sa sobrang kaba. Gusto ko ng umiyak pero uuwi muna ako bago ako umiyak. Binilisan ko ang lakad ko na parang tumatakbo na kaso ay binilisan niya rin ang lakad niya at tumakbo papunta sa akin. Huminto ako at lumuhod, pumikit at nag makaawang wag niyang saktan.

"what the hell? Why are you crying?" agad kong naimulat ang mata ko dahil sa boses na narinig ko. Pag dilat ko nasa harap ko ang hunyango.

"you? What are you doing here? sinusundan mo ba ako? Are you a stalker?" nauutal kong sabi sakanya dahil kinakabahan parin ako.

"chill huminga ka muna ng malalim, baka matuluyan ka sa sobrang takot mo" sinamaan ko siya ng tingin chill sinong mag chichill kung may susunod sayong hunyangong stalker.

"I sense na baka natatakot ka dahil nanginginig at pabilis ng pabilis ang lakad mo, I thought naliligaw ka nanaman. Lalapit sana ako sayo para tulungan ka, but you stop, knell down and begging to me not to hurt you. Alam mo bang nakakagulat yang ginawa mo? Kung stalker nga ako or serial killer ay baka napatay kana."

"Wow ah tulungan, eh sayo nga ako natatakot, pang stalker pa ang suot mo" sabi ko at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.

"So its my fault ikaw na nga tong tutulungan ayaw mo pa, and anong pang stalker, so pag nakahoodie at pants stalker na?" hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya at nagtanong ulit.

"what are you doing here? Bakit mo ako sinusundan? At bakit kasi hindi ka nagpakilala na ikaw yan?"

"here we go again sa pagiging delusional mo, Wow wala akong masabi. You really love yourself" pumapalakpak pa siya.

"nag -iingat lang naman ako, pano kung totoong stalker ka nga, edi na yari ako"

"then you should be glad I'm not, kasi kung stalker talaga ako, siguro nakagapos kana at wala dito, you should be careful"

Leading in Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon