Chapter 40

2 0 0
                                        

CHAPTER 40

Late na akong nagising kaya naman halos takbuhin ko na ang daan papuntang sakayan. Hindi ako ganung nakatulog kagabi, sino ba naman ang makakatulog pagkakita ng mga pictures na may kandong iba ang boyfriend nila wala  naman siguro, manhid lang siguro ang payapa ang tulog.

Hindi din ako nagpasundo kay Aiden, dahil ayoko muna siyang makita. Nagtanong pa siya kung bakit, pero in the end girls talaga ang panalo sa mga arguments.

Bago ako makasakay ng sasakyan ay nag vibrate ang phone ko, message from Pat.

"Girl, you need to see this" at may nakaattached na photo namin ni Warren na magkayakap, ito yung kahapon. 

Kaya ba ako kinausap ni Warren para makakuha ng pictures, but I see in his eyes that his sincere. Ano nanaman bato? Akala ko pictures lang ni Aiden ang ihahandle ko ngayon, ako rin pala meron.

"Miss sasakay ka ba?"

"opo sorry" sumakay na ako ng tricycle.

Nagvibrate nanaman ang phone ko at nakita kong tumatawag si Aiden, agad kong pinatay ang tawag dahil alam kong galit siya. Pero maya maya ay nagvibrate  ulit ang phone ko papatayin ko na sana ng makitang si Warren ang tumatawag.

"Meet me now" yun lang ang sinagot ko at binaba ang tawag, senend ko sakanya kung saan kami magkikita, sinabi ko na din kay manong na wag ako sa school ibaba. Nagpaalam din ako kay Pat at Elaine na hindi ako makakapasok ngayong umaga, sinabi ko din na makikipagkita ako kay Warren at wag sabihin kay Aiden. Hindi naman sila nagtanong kaya inoff ko na ang phone ko dahil tawag ng tawag at message ng message si Aiden. Sorry My hunyango mamaya na tayo mag -usap.

Pumasok na ako sa sinabi kong cafe, medyo malayo to sa school para walang makakita. Sorry mom and dad last na pag cucutting ko na to.

Umupo ako sa isang bakanteng upuan na pang dalawahan lang nag -order din ako ng espresso para malakas ang tama at gising na gising ang diwa ko sa pag -uusap namin ni Warren.

Naghintay pa ako ng ilang minuto bago tumunog ang pintuan at natanaw kong papasok si Warren, agad akong kumaway para makita niya agad ako.

"sorry, natagalan tinakasan ako pa ang teacher natin" halata naman dahil sa pawis niya.

"okay lang, order any drinks that you want, my treat" inabot ko sakanya ang menu, nag -order naman siya.

"nakita mo na ba ang mga pictures natin" tumango ako.

"Nakita ko senend sa akin ni Pat"

"Sorry about that its not my intentions, believe me Scar"

"okay lang, at least naging headline ako ng school natin, Scarlet is a cheater" naalala ko nanaman ang pictures na magkayakap kami ni Warren at may nakasulat na Scarlet is a cheater: Sino ang niloloko niya? may anino pa na may question mark ang anino na alam naman ng lahat na si Aiden.

"Sorry really, I'm really sorry Scarlet" akmang hahawakan niya ang kamay ko ng umiwas ako.

"Wala ka bang alam sa pictures na yon" umiling siya.

"After ng nangyari, parang pinukpok ang ulo ko ng martilyo, kaya kahit masakit, I started to avoid Olivia, simula ng tumakbo ka sa restaurant ng arawa na yon ay kinausap ko agad si Olivia na ayoko na sa mga pinapagawa niya, but nagalit siya naghihiyaw siya saying na wala akong kuwenta. After that lumayo na ako sakanya kahit nag tetext siya at nangungulit. I even change my number para hindi niya na ako matext. I really just want to say sorry that day, kung nag -away kayo ni Aiden ako ang magpapaliwanag sakanya. Sorry for what I have done" nakikita ko ang sakit  sa mga salita niya lalo na ng sinabi niyang nilalayuan niya si Olivia. Olivia does not deserve Warren, sasaktan at sasaktan lang siya ni Olivia. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

Leading in Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon