Chapter 39

2 1 0
                                        

CHAPTER 39

It's been a week since that confession, and I don't know kung kami na ba o hindi, yes I said I love you that doesn't mean na kami na, he never asked me. Wala pang official kung kami ba talaga, but we do what normal couples do, we lunch together, we date if we have time, sabay kaming umuuwi at sabay pumapasok.

But I don't know the real status of our relationship, thats's why I can't answer Pat.

"So ano na nga Ria kayo na ba?" pati si Elaine ay nakaabang sa sagot ko.

"I don't know"

"Hoy anong I don't know ka diyan, may ginawa ba si Aiden sayo?" Umiling ako

"Sa sweetness niyo na yon hindi parin kayo" sabi ni Pat at nameywang pa.

"hindi ko nga alam, mag training kana nga" pagtataboy ko sakanya dahil kanina pa tumutunog ang cellphone niya. 

"Okay okay okay, see you later" sinagot niya ang tawag habang tumatakbo.

"Gusto mo sa library?" tanong ni Elaine, umiling ako.

"Sa garden nalang ako gusto ko magpahangin"

"okay susunod ako pagtapos ko kumuha ng libro" tumango ako at naglakad patungong garden.

Ang sarap din tumambay dito, ang bango puro bulaklak, naglakad lakad ako at tiningnan ang mga bulaklak, ang iba dito ay alam ko ang pangalan dahil pag nasa store ako nababanggit ni mom ang mga bulaklak niya. Pero ang iba ay hindi, mabuti nalang at may sign kung anong pangalan ng bulaklak at may description pa.

"Purple hyacinth" rinig kong sabi ng nasa likod ko pero hindi ko nilingon. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

"Scar, wait" hinawakan niya ang braso ko kaya napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa braso ko.

"What do you need?" tanong ko sakanya ng hindi humaharap.

"Let's talk" huminga ako ng malalim bago humarap sakanya. Siguro ito na ang oras na kailangan ko siyang kausapin.

"Okay, talk" humarap ako sakanya.

"I know, malaki ang kasalanan ko sayo, And sorry sa nagawa ko, nagawa ko lang naman yon dahil kay Olivia, I want her back"

"You want her kaya okay lang sayong gaguhin ako?" tumango siya. Kaya natawa ako.

"Nakuha mo ba siya ng ginago mo ako?" umiling siya.

"But I really really want her, I love her Scar, sorry kung ginamit kita, alam kong mali pero ginawa ko parin" hinawakan niya ang kamay ko.

"sorry Scarlet"

"May I asked, kahit ba isang beses naging totoo ka sakin o sa amin nila Pat. We treated you like our friend Warren"

"Yes, nag -eenjoy ako pagkasama ko kayo, Kaibigan din naman ang tingin ko sainyo"

"Ang kaibigan hindi manggagamit para sa sarili lang"

"I know its my fault, that's why I'm here asking for forgiveness" kinuha ko ang kamay ko sakanya.

"Warren okay na sa akin, but I don't know if I can trust you like I did before" 

"I understand"

"I hope hindi mo na to gawin sa kahit sino" Tumango siya.

"I'm really sorry" nginitian ko siya. Hindi ko alam ng marinig ko ang sorry niya nawala ang galit ko at gumaan ang pakiramdam ko. Siguro deep inside in my heart napatawad ko na siya. And I feel like victim lang din siya ni Olivia.

Leading in Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon