CHAPTER 3
Sabay kaming nag lunch ni Warren inaya niya ako na sabay na raw kaming dalawa wala din naman akong kasabay kaya pumayag na ako, hindi rin ako nakahanap ng kasabay or nakapag kaibigan sa mga kaklase namin dahil sa late na ako pumasok sa room kanina at dahil rin napalabas kami at isa pa gusto ko rin makasabay siya kumain at linisin ang pangalan ko na dinumihan ng hunyango kanina.
Magbabayad na dapat si Warren ng pigilan ko siya. Tumingin naman siya sa akin at kumunot ang noo niya.
"ako na, its my treat" agad siyang ngumiti at umiling
"No its my treat Warren thanks for catching me kanina kung hindi dahil sayo ay baka kung ano na nangyari sa akin.
"okay lang Scar ako na sa susunod mo na ako ilibre." Tumango nalang ako at napanguso. Kahit kelan talaga ang bait bait ni warren unlike ng hunyango na yon.
Kinuha niya ang tray ko at dinala niya iyon sa table na bakante. Sumunod naman ako sakanya. Kumakain kami ng bigla siyang nagtanong halos mabilaukan ako sa tanong niya. Agad niya akong inabutan ng maiinom.
"Sobra bang nakakagulat ang tanong ko?"
"hindi naman nabigla lang ako, and his not my BOYFRIEND Okay" sabi ko sakanya pano ba naman tinanong niya ako kung boyfriend ko daw ba yung lalaki kanina. Kelan ba ako nagkaboyfriend ng hunyango. At may anak na at baka may asawa na. Hindi ko pinangarap maging home wrecker.
"and wala akong boyfriend" dagdag ko siya naman ay parang hindi naniniwala sa sinasabi ko. Sumubo nalang ako at iniba na ang usapan. Ayokong mapag kamalan niya akong may Boyfriend.
"Bat nga pala late ka ng pumasok kanina dapat ay nagsabay nalang pala tayo mag kaklase naman pala tayo"
"May inasikaso pa akong recquirements kanina, at wala pa sa office ang principal dahil may inaasikaso kaya naglibot muna ako hanggang sa pag-akyat ko ay may isang babaeng muntikan ng mahulog,"
"malalate na kasi kaya nagmamadali ako kanina, naligaw kasi ako" tumawa at umiiling- iling siya ng marinig na naligaw ako.
Tumigil siya sa pag tawa at parang may naalala.
"Parang nangyari na dati ung nangyari sa hagdan, the first time we meet? as far as I remembered it was when we are in grade 5? Umaakyat ka din nun ng madulas ka at nasalo kita."
"yes I remember" paano ko ba makakalimutan iyon. Iyon yata ang unang beses na parang tambol ang puso ko.
"I'm surprised you still remembered, makakalimutin ka kaya" asar nanaman niya saakin.
Papunta dapat ako nun sa office ni Ma'am habang dala dala ang mga papers for school newspaper ng hindi ko napansin na medyo basa pala ang hagdag, buti at andun si Warren kung hindi ay baka nag pa gulong gulong na ako sa hagdan.
Parang hinuhukay ang aking tiyan at kinakabog ang dibdib ko ng maalala ko ang nangyaring iyon.
"and naaalala mo rin ba ng nag lalaro kami ng soccer muntik ka ng tamaan ng bola sa mukha buti at nakatakbo agad ako sayo at naharangan ko ang bola kung hindi baka knock out ka nanaman tulad ng nangyari sa pe class natin"
Yes naaalala ko din, how can I forget that moment na nag slowmo yata ang paligid ko dahil sa nangyaring iyon. At sa PE class I did'nt know na siya pala ang bumuhat sakin matapos akong tamaan ng volleyball ball sa ulo. Bakit kasi may pe pa kawawa kaming mga hindi athletic.
"I think I'm your savior" pagbibiro niya this time ako naman ang tumawa at umiling. Yes warren you are indeed my Savior.
Siguro iyon ang mga dahilan kaya kahit papaano ay naging close kaming dalawa. Naging classmate ko siya ng grade 5 at lagi ko siyang pinapanood mag soccrer kahit na minsan ay ginagabi akong umuwi ang cool niya kasing maglaro.

BINABASA MO ANG
Leading in Into You
RomanceAng gusto lang naman niya ay maiparamdam ang kanyang pasasalamat at pahanga sa isang lalaki. Ngunit hindi niya alam kung paano gagawin iyon. Kaya napagpasyahan niyang idaan nalamang ito sa isang sulat. Pero paano kung hindi napunta sa tamang tao ang...