Chapter 21

12 5 1
                                        

CHAPTER 21

Ang daming nangyari ngayong araw halos madilim na at ngayon palang sinisimulan ang pagbibigay ng medalya. Unang umakyat sa stage si Elaine. And as expected nanalo si Pat. Tuwang tuwa siya habang pinapakita ang kanyang medalya.

"this means ilalaban ako sa ibang school" nag tatatalon pa siya.

"Pat kagatin mo nga iyong medal mo" sabi ni naman ni Dom.

"ayoko"

"ako nalang kakagat" at akmang kakagatin ni Dom ang medal ni Pat ay siya namang layo ni Pat.

"sayo ang kagatin mo"

"gusto ko yung sayo mukhang mas malaki eh at hindi pa namin nakukuha yung sa amin" sabi ni Dom at si Elaine naman ang kinulit.

"For Painting Competition" sabi ng mc at tinawag ang principal na siyang mag sasabit ng awards.

"for the third place congratulations Monica Cruz" hindi na ako umaaasang mananalo ako. Tinawag na ang third place.

"Scarlet Scarlet" sigaw ni Dom nakakahiya dahil maging mga kaklase ko ay nakikihiyaw sa kanya. Dapat pag kasama si Dom lagi kang may tabing tape para pantakip ng bibig niya.

"And the second place goes to congratulations STEM 11-A Scarlet Ria Fernandez" gulat ako habang umakyat ako sa stage hindi ko ine- expect na mananalo ako ng second place. Hindi ko man nakamit ang first place ay laking pasasalamat ko. Lalong lumakas ang mga hiyawan nila.

Sinabit sakin ang silver na medalya. At inabot sa akin ang certificate. Nagpasalamat naman ako.

"wow congratulation sa atin" at niyakap kami ni Pat.

"Sali ako" bago pa man makayakap si Dom ay tinutulak siya malayo ni Pat.

"hilig mong makisali" reklamo ni Pat.

"ikaw hilig mong maki –epal" hindi ko nalang sila pinakinggang mag away. Tumingin nalang ako sa stage para panoorin ang mga ginagawaran pa ng awards. Dahil kung pakikinggan ko pa sila ay baka dumugo ang tenga ko.

Tumahimik ang lugar namin ng umalis si Dom dahil sila na ang aakyat sa stage. At Dom is not Dom without doing something. Habang pa –akyat siya sa stage ay may kinuha siya sa bulsa niya. Hinahagis niya ang mga confetti. Habang siya ay naglalakad. Kahit ng pinipicturan sila ay naghahagis siya ng confetti. Nakakalungkot dahil wala man lang si Warren doon.

Hindi narin ako nag taka kung ang mvp ay si Aiden. Well magaling naman pala siya. Hindi na masama.

"dapat ako iyon pinaubaya ko lang kay Aiden" sabi ni Dom ng makatabi sa amin.

"wala kasing toyo si Aiden na mamumulot ng confetti para lang isaboy sa sarili" ito nanaman silang dalawa ni Pat.

"Tumahimik na nga kayong dalawa" pare parehas kaming tumingin sa nag salitang si Elaine.

"Elaine nagagalit kana, sanay ka nun" amuse na amuse na sabi ni Dom.

"Pat, Scarlet tao si Elaine tao" si Elaine na mismo ang sumapak kay Dom.

"nanakit narin siya, inonote ko yan" kinuha niya ang cellphone at nag type "Elaine is a human a freaking human". Kinuha ni Elaine ang phone ni Dom at binura ang tinaype ni Dom.

Wala na talagang tahimik na araw pag sila ang kasama.

"ito na ang hinihintay ng lahat. Ang best in booth dum dum dum" nag roll pa ng fake drums ang mc.

Sana masama kami, pambawi sa lahat ng pagod namin. Isang linggo din ang ginugol namin sa booth.

"for the second place Congratulations movie booth Congratulations STEM 11-A" nag sitakbuhan ang mga kaklase ko sa stage hindi na ako nakisali dahil puno na ang stage. Baka malaglag pa ako.

Leading in Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon