Leading in Into You

83 26 0
                                    

Leading in Into You

Pumili siya ng magandang papel at nag simulang mag sulat, pero sa sobrang kaba niya ay parang wala siyang matinong maisulat. Iniisip niya palang ang mga isusulat niya para na siyang nanlalambot at napupuno ng kaba. Sandali muna siyang tumingala at nag isip bumunot siya ng malamin na hininga at nagpatuloy.

Muli niyang kinuha ang papel at panulat, at buong tapang na nag sulat. Sa munting sulat niya nalamang ipaparamdam ang lahat ng gusto niyang sabihin at nais niyang iparamdam para sa isang lalaki.

Bago ilagay sa isang kulay rosas na envelop ay nanalangin muna siya na sana ay magustuhan ang sulat niya na puno ng pasasalamat , galak at paghanga para sa lalaking pag bibigyan niya nito.

Ngunit laking gulat niya na wala sa kamay ng lalaking pagbibigyan niya ang sulat. At napunta ito sa maling tao and worst sa kinaiinisan niya pa.

Gusto niyang saktan ang sarili dahil sa nangyari paano niya ulit makukuha ang sulat at maibigay  ito sa tamang tao.

Leading in Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon