Chapter 18

11 7 0
                                        

CHAPTER 18

" Welcome to Cromwell High School the 20th Foundation Day" basa ko sa banner na nakalagay sa labas ng school namin. Sa kabila naman ay ang  Intramurals Day. Pinag sabay na kasi ang intrams at Foundation DAY.

Naglakad ako papasok bumungad sa akin ang san damak mak na makukulay na bandiritas. May ibat ibang stand sa mga hallway.

Umagang umaga ay abala ang lahat. Busy sa kanya kanya nilang mga gawain. Nag tungo ako sa court dahil doon gaganapin ang opening ng Event.

Nakita ko agad si Elaine kasama si Dom at ang iba naming kaklase. Gaya ng damit ko naka pastel orange din sila. Sobrang komportable ng suot ko ngayon dahil naka black sweat pants ako kaya Malaya akong makakagalaw ngayong araw hindi tulad pag skirt ang suot. Tumabi ako sakanila. Si Pat kasi ay isa sa mga runner sa torch.

"goodmorning" bati ko sakanila.

"Sec nandiyan ka na pala" bati ni Dom at nakipag apir pa.

"bakit kayo lang ang nandito?" tanong ko ng mapansing wala pa ang iba naming kaklase pati si  Warren at Aiden ay wala parin.

"nasa booth nag aayos lang papunta narin siguro ang mga iyon" sagot ni Elaine.

"okay"

"nood kayo mamaya ng game namin ha" pag –aaya ni Dom.

"baka naman matalo lang kayo" biro ko kay Dom.

"kami matalo malabo" pagyayabang niya pa. Maging si Elaine ay napailing sa pagyayabang ni Dom. Buti hindi na natatakot si Elaine kay Dom ng una kasi takot na takot siya kay Dom eh.

Maya maya lang ay nag sidatingan na ang mga kaklase ko maging si Aiden ay nandito na rin pero si Warren ay wala pa. Asan na kaya siya.

Narinig kong pumalakpak ang mga students dahil sa nag salita. Magsisimula na. Katulad ng ibang ceremony sinimulan na ang pag sindi ng torch nakita naming tumatakbo si Pat.  Pagkatabos ay sinimulan ng awitin ang  National Anthem ang, theme song ng school at ang praying. 

"Go Pat!" hiyaw ni Dom. Todo cheer sila ng mga kaklase ko,nagtitinginan tuloy ang ibang estudyante si Elaine naman ay pinapatahimik ang mga kaklase namin. Pero hindi naman naririnig dahil sa hina ng boses niya. Pinasa ni Pat ang torch sa isa pang student. Tumingin sa amin si Pat at ngumiti. Ngumiti nalang din kami. Habang si Dom at pumapalakpak at tumatalon pa.

"what's up we're here to celebrate the 20th foundation day" masiglang bati ng isang teacher namin na tumatayong mc ngayon. Pinaliwanag niya ang mga mangyayari ngayong araw. Agad nag hiyawan ang lahat ng isa isang tinawag ng mc ang bawat section.

Pagkatapos ng opening ay lumapit si Pat sa amin.

"hello guys" excited na bati niya sa amin.

"ngayon na ang first game ko nood kayo"

"handa na ang bandera ko para sayo" sabi ni Dom at umakto na nagwawagayway ng bandera kahit wala naman siyang hawak.

"that's great" at nakipag fist bump pa si Pat kay Dom.

"kayo wala ba kayong hinanda sakin" sabi niya samin na parang nagtatampo.

" may banners kami para sayo, pero kailangan ko check ko muna ang booth" nag thumbs up naman siya kay Elaine.

"good luck Pat, lalakasan ko hiyaw ko para sayo" tinaas ko pa ang kamao ko para ipakita ang pag good luck ko sakanya.

"sige mag preprepare na ako"  sabi niya at tumakbo papunta sa club niya. Nakakatuwa talaga na bumabalik na ang interest ni Pat sa Taekwondo.

Leading in Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon