Chapter 20

14 6 0
                                    

CHAPTER 20

Last Day na ng Foundation Day namin . Napagkasunduan ng buong section namin na half day lang ang booth ngayon. Para maka pag enjoy ang lahat at dahil gusto din nilang manood ng basketball mamaya.

"hoy tulungan niyo ako gumawa ng banner" at inabutan pa kami ng gunting at glue ni Dom.

"bakit ka gumagawa ng sarili mong banner?" tanong ni Pat at nilagyan ng glue ang letter G.

"para may iwawagayway kayo mamaya" hinawakan ni Dom ang kartolina.

"ganito ang pag cheer ah, ikaw Pat isisigaw mo GO GO GO ikaw Elaine sigaw mo pangalan ko at ikaw Scar sigaw mo pangalan ni Aiden at sabay sabay niyong iwawagayway ang banner namin okay. Okay practice simulan mo Pat" binatukan naman ni Pat si Dom.

"ayoko nga nakakahiya, baliw ka bahala ka diyan." At binitawan ni Pat ang glue na hawak niya.

"Scar" tawag ni Dom na nagmamakaawa.

"No Dom No" namimilit pa siya at kahit si Elaine ay hindi na siya makayanan.

"photo booth tayo" aya ni Pat sa amin. "Picture tayong tatlo."
"Sama ko, wag niyo kong iwan" niligpit agad ni Dom ang gamit sa pag gawa ng Banner.
" ayaw nga namin Dom pag katapos ng ginawa mo kahapon"

Paano ba naman kasi si Dom. Puro kalokohan gumanti siya sa pag jajail booth sakanya ni Pat. Kumuha siya ng random na lalaki at pinajail booth si Pat kaya ayon suking suki si Pat ng Jail Booth at Wedding booth.

Naalala ko na tinanggihan ni Pat yung isang groom kaya lang ay hinabol siya nito at nagmakaawang pakasalanan siya ni Pat. Nainlove daw kasi siya kay Pat ng nag side kick si Pat. Ang  sabi naman ng magaling na si Pat.

"gusto mong ikaw naman ang iside kick ko" sabi niya sa lalaki at iniwan iyon.

Nagpipigil kami ng tawa dahil kitang kita na sa mukha ni Pat ang pag ka badtrip niya. Pero si Dom ay wala yata talagang kinakatakutan. Dahil inubos niya ang lahat ng pera niya kakapahuli kay Pat.

"sino ba ang nanguna?" depensa ni Dom.

"kahit na puwede ka namang gumanti ng isang beses ah. At kay Elaine lang naman kita pina jail booth ako kung kani kanino. Para akong nagiging favorite of the day"

"ayaw mo ba atleast kahit one day naging favorite ka" at tumawa si Dom nawala ang tawa niya ng makitang sisipain na siya ni Pat.

"tumigil na kayo, tara na nga sumama ka na Dom, isasama mo rin naman ang sarili mo kahit hindi ka isama" 

"pano mo nahulaan kaya kay Aiden ka talaga Sec"

"Pat sipain mo na nga itong isang to" turo ko kay Dom.

"okay sabi ko nga tatahimik na"

Nag tungo na kaming apat sa Photo booth si Aiden walang nakakaalam kung nasaan siya. Si Warren naman ay inaya ng ibang kaibigan niya sa kabilang building.

"Dom kami munang tatlo mamaya kana sumama"

"Pat sabihin mo kung ayaw mo akong isama, don't worry sasama parin ako." At sumiksik siya sa amin.

"Dom kahit isa lang kami munang tatlo okay" naiinis na si Pat.

"okay isa lang ah" umalis naman si Dom. At hinayaan niya kaming pagpapicture. At pag karinig na pag karinig niya ng click ng kamera at sumali agad siya.

"wait Elaine" tumingin kami kay Dom at Elaine. Tinanggal niya ang salamin ni Elaine ngayon kitang kita mo na ang makinis na mukha at mahahabang pilik mata ni Elaine.

"yan sabi sayo mas maganda ka pag wala iyong salamin" nilagay ni Dom ang salamin sa bulsa niya. Yumuko si Elaine hindi yata siya kumportable.

"Yeah Dom maganda si Elaine kahit may salamin o wala kaya ibalik mo na ang salamin niya"

Leading in Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon