CHAPTER 24
Hindi ko alam ang gagawin ko. Mula ng makita si Aiden at Olivia na mag kasama ay mas lalo yata akong naging lutang. Hindi maalis sa utak ko ang larawan nila na mag kasama.
"Ria sumabay kana sa akin umuwi ihahatid na kita sainyo" sabi ni Pat habang papauwi kami.
"puwede ko din naman siyang ihatid" alok ni Warren.
"hindi na mapapalayo ka pa, kay Pat nalang ako sasabay"
"tinatanggihan mo nanaman ako" ngumuso pa siya at nag act na nagtatampo.
"sa susunod mo nalang ako ihatid, promise hindi na ako tatanggi" sabi ko. Nakumbinsi ko naman siya.
Sumabay kami ni Elaine kay Pat. At habang nasa sasakyan ay nag interrogate na si Pat.
"hoy Ria ano talaga nangyayari sayo umamin ka nga "
"okay ka lang ba" nag -aalalang tanong sakin ni Elaine.
"okay lang ako kayo naman" ngumuti pa ako sakanila.
"hoy dont me. I know you, wala kang nagawa ngayong araw kundi tumulala" sabi ni Pat at tumango si Elaine bilang pagsang -ayon.
"hindi lang ako nakatulog kagabi"
"really?" tinaas pa ako ni Pat ng kilay. Alam niyang hindi ako nag sasabi ng totoo."oo at ang dami din kasi nating gawain" pagpapalusot ko.
Buti nalang at hindi niya ako pinilit. Pag kasi sinabi ko sakanila ang nangyari ay baka sabihin nila inlove ako kay Aiden.
Sa shop nalang din ako nagpababa tulad ni Elaine. Gusto ko ng refreshment. Nag tatampo pa si Pat na ang daya daw namin dahil magkasama parin kami. Anong gagawin niya may part time si Elaine sa shop.
"saglit lang naman ako dito Pat" sabi ko sakanya para tumigil siya sa pagtatampo.
"see you tomorrow nalang" nagkukunwari pa siyang humihikbi. Kumaway nalang kami ni Elaine.
Agad lumapit si Mom ng makita kami.
"hi Elaine, oh napadaan ka yata anak"
"hello tita" bati ni Elaine
"namiss ko lang po bigla ang shop" I said."maiwan ko muna po kayo magbibihis lang po ako" paalam ni Elaine at nagtungo sa staff room.
"are you hungry?" tanong sa akin ni Mom.
" hindi po, magpapaalam po sana ako, Aiden and I have project to work on. We decided sa convenient store nalang po gumawa."
"puwede naman sa bahay bat dun pa" takang tanong ni mom."gusto po namin doon mom." palusot ko. Tumango si Mom.
"iyon lang ba ang sinadya mo dapat tenext mo nalang ako"
"No mom I need some refreshment , can I have strawberry ade?" tumawa si Mom at ginawan ako ng Strawberry Ade.Ng maubos ko ang iniinum ko ay nagpaalam ako kay Elaine at mom.
---
Mag aala sais na at nandito parin ako sa kuwarto ko at hindi mapakali.Hindi ko alam bakit ako kinakabahan. Hindi naman ito ang unang beses na makikita ko si Aiden. At hindi rin ito ang unang beses na kaming dalawa lang ang magkasama.
Wag na kaya akong tumuloy. Kaya lang pano ko masasabi sakanya na hindi tuloy. Sinasabunutan ko na ang sarili ko dahil hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.
Humugot ako ng malalim na hininga at kinuha ang mga gamit ko.
Bawat hakbang ko palapit sa convenient store ay lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Mas lalong kumabog ng makita ko siyang naka upo sa table sa labas ng store. Naka manong short at tshirt lang siya. At nakatutok ang atensiyon niya sa cellphone niya.
BINABASA MO ANG
Leading in Into You
RomansaAng gusto lang naman niya ay maiparamdam ang kanyang pasasalamat at pahanga sa isang lalaki. Ngunit hindi niya alam kung paano gagawin iyon. Kaya napagpasyahan niyang idaan nalamang ito sa isang sulat. Pero paano kung hindi napunta sa tamang tao ang...