Chapter 5

39 20 0
                                        

CHAPTER 5

"Scarlet wake up "

"mom hindi pa naman po tumutunog ang alarm ko" nagtakip ako ng kumot para bumalik sa tulog. Pero tinanggal niya ang kumot ko. Sasagot pa sana ako kaya lang humiyaw ulit siya at inalog- alog ako.

"wake up malalate kana, you forgot to set your alarm clock so get up now!" napabangon ako ng wala sa oras at agad na tiningnan ang clock ko my gash. Kaya napahawak ako sa ulo ko nahilo yata ako sa biglaan kong pag tayo.

Pagtapos makarecover sa hilo ay dali dali akong tumakbo at kumuha ng tuwalya at nagpunta sa banyo. Si mom naman ay umiiling iling.

"Scarlet I'll prepare your uniform okay" mom shouted outside the bathroom.

Binilisan ko ang pagligo ko. pinag sabay ko na ang toothbrush,shampoo at pag sasabon at konting kuskos para isang banlawan nalang mamaya nalang ako babawi ng ligo. Ilang sandali pa ay natapos na ako sa paliligo. Isinuot ko agad ang puting polo ko na nakapatong sa ibabaw ng aking kama medyo nahirapan pa ako sa pag susuot dahil long sleeve ang uniform namin. Pag katapos ay isinuot kona ang aking checkered blue pleated skirt pagkatapos ay nagmedyas ako at nag sapatos na.

Hindi na ako masyadong nag ayos ng mukha nag powder nalang ako sa baba nalang ako mag susuklay at mag lilip tint.

Cheneck ko ang mga gamit ko kung may nakalimutan pa ba ako ng masigurado kong wala akong nakalimutan ay bumaba na agad ako. Pagbaba ko ay si Mom lang ang nasa dinning pumasok na siguro sa work si Dad.

"Scarlet look at your self para kang binagyo, where's your necktie"

"nasa bulsa ko mom sa daan nalang ako mag neneck tie?" pumunta ako sa mesa at uminom ng gatas at kumuha ng tinapay.

"your hair is still dripping Scarlet"

"I don't have time to dry it mom" kumuha ako ng bacon habang kumakain ako ay naramdaman ko naman na pinupunasan ni mom ang buhok ko at sinusuklay na din.

"thanks mom"

"para kang hindi dalaga. Are you sure hindi kita ihahatid ngayon? kaya mo  ba talaga?" mom always treat me like a baby. And I like it but gusto ko na talaga matuto sa sarili ko. 

"yes mom I'll be fine" paninigurado ko sakanya para hindi na siya mag -alala.

Ilang beses pang tinuro ni Mom ang mga dadaanan ko at ang mga dapat kong sakyan para makauwi at makapunta sa school.

Pag katapos kong kumain ay lumabas na ako. Bago ako lumabas ng gate ay nag lip tint muna ako. Lip tint is life para matakpan ang namumutla kong labi, hindi naman kasi ako marunong mag make up lalo na ang mag kilay.  

Mabilis akong naglakad habang isinusuot ang necktai ko buti nalang at hindi ako na bubunggo. Nang makarating ako sa sakayan ay agad akong sumakay. Buti nalang at meron pang masasakyan. Nag -iisa nalang kasi itong  tricycle. 

Inaayos ko ang necktie ko sa loob ng tricycle at nagsuot na din ng ID buti nalang at may salamin sa loob. Nagulat ako ng may tumabi sa akin, kaya naman napausog ako.

"Manong sa Cromwell High  po" sinabi niya driver at papaandarin na sana ng driver ang sasakyan ng pigilan ko siya.

"Manong wait hindi ko po siya kasabay" tumingin naman si manong saaming dalawa.

"there's no other available vehicles, and we're going to be late." agad na sabat ni Hunyango at hinihingal pa. Mukhang nagmadali din siya. Hawak hawak niya lang ang tie nya pati ang ID niya. Hindi rin nakabitones ang polo niya buti nalang may puting t-shirt ito sa loob dahil kung sando lang ay baka sinipa ko na siya palabas.

Leading in Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon