CHAPTER 16
Agad akong tumakbo sa kinaroroonan ni Aiden para masigurado kong sa akin nga ang dala niyang sobre.
"hunyango" hindi siya huminto at nagpatuloy lang sa paglalakad.
"aiden stop" this time huminto na siya at humarap sa akin.
"why?" tanong niya ng makalapit ako sa kanya. Huminga muna ako at tinuro ang kamay niya.
"what? you want to hold my hand?" kahit hinihingal ay hindi ko napigilang I roll ang mata ko.
"No, where did you get that?"
"this?" at pinakita niya sa akin ang sobre.
"yes" hindi maalis ang tingin ko sa sobre.
"napulot ko" sabi niya.
"saan"
"where do you think?" balik niyang tanong sa akin habang nakangisi.
"napulot mo ba yan sa library?" tanong ko sa kanya pero nag kibit balikat lang siya.
"akin yan" at aagawin ko na sana ang sobre sa kanya kaya lang ay tinaas niya iyon kaya hindi ko maabot.
"what do you think your doing ?" hindi ko pinansin ang sinabi niya at tinuloy ko nalang ang pag abot ng sobre.
"akin na kasi yan" hiyaw ko sakanya.
"hindi naman sayo yan, ang hilig mong manguha ng hindi naman sayo" dagdag ko pa.
"do you have proof that this is yours?" tanong niya sa akin. Hindi ko nga pala nalagyan ng pangalan iyong sobre. Paano isusulat ko palang ang pangalan ni Warren at pangalan ko ay inaatake na ako ng kaba. Kaya dear warren lang ang nalagay ko hindi ko nalagyan ng from.
In the end hindi ko nakuha ang sobre na kinukuha ko dahil ayaw niya talagang ibigay. Sa sobrang inis ko ay hindi nalang ako nagpumilit kunin, dahil obvious na nag –eenjoy siya na inisin ako.
Naalala ko ang pangyayaring yon kanina. Hindi ko nanaman mapigilang lukutin ang unan na yakap ko ngayon. Kinuha ko din ang penguin na stuff toy dito. Sa sobrang inis ko pinanggigigilan ko ito iniisip ko pa na si Aiden iyong Penguin. Sa tuwing na aalala ko ang nangyari kanina ay dumodoble ang inis na nararamdaman ko. Paano ko kaya makukuha sa hunyango na iyon ang letter ko. Sana hindi niya buksan ang loob at basahin. Nakakainis talaga.
Hindi ko man lang na enjoy ang karaoke namin nila Warren kanina, nag- aalala pa sila sa akin kung okay lang daw ba talaga ako. Buti na nga lang ay nakumbinsi ko sila na ayos lang ako.
---
Mula kagabi hanggang ngayon ay wala akong kagana gana. Iniisip ko parin ang letter sana hindi iyon basahin ni hunyango.
Naisipan ko ngayong pumunta sa library, wala kasi sa court si hunyango nagbabakasakali ako baka nandito siya. itr-try ko ulit siyang kausapin tungkol sa sulat.
Habang papalapit ako sa laging tinutulugan ni hunyango ay kinakabahan ako paano kung hindi niya parin ibigay at nabasa niya na ang sulat ano ang gagawin ko. Nasisiguro kong labis pa sa labis ang pang -aasar niya sakin pag na basa niya ang nasa loob.
Kailangan kong maghanda. Sobrang daming mga puwedeng isagot ang naiisip ko para sa mga sasabihin ni hunyango kahit hindi ako sigurado kung sasabihan ba niya ang mga nasa isip ko.
Nang makalapit ako ay hindi ako nagkamali nandito nga siya. Nakikita ko ang paa niya. Lumapit ako sakanya at halos malaglag ang puso ko dahil binabasa niya ngayon ang sulat ko para kay Warren. Nakakunot pa ang noo niya habang binabasa kala mong exam ang binabasa niya.

BINABASA MO ANG
Leading in Into You
RomanceAng gusto lang naman niya ay maiparamdam ang kanyang pasasalamat at pahanga sa isang lalaki. Ngunit hindi niya alam kung paano gagawin iyon. Kaya napagpasyahan niyang idaan nalamang ito sa isang sulat. Pero paano kung hindi napunta sa tamang tao ang...