CHAPTER 19
Lumipas ang isang araw ng hindi manlang naaalis sa isipan ko ang nangyari sa basketball ng araw na iyon. Naaalala ko ang pag dudugo ng ilong ni Aiden parang nanghihina ang tuhod ko. Ni hindi ko rin natanong si Warren kung saan siya galing ng araw na iyon.
Nitong mga nakaraan hindi ko alam kung saan nag pupunta si Warren tumulong siya sa booth ng Second day. Pero saglit lang hindi ko alam kung saan siya nagpupunta.
Ng second day sumalang na sa quiz bee si Elaine. Third place siya. Agad namin siyang binati. At as usual ay kinahiya niya ang pag checheer ni Dom. Sino ba naman kasing hindi ikakahiya ang ginawa niya. Ang tahimik ng lahat nakikinig sa mga questions pero si Dom ay hiyaw ng hiyaw muntik pa nga siyang mapaalis dahil sa kaingayan niya.
Ngayon ako naman ang kinakabahan. Never pa akong nag paint sa harap ng madaming tao bakit ba kasi. Live ang pag paint hindi ba puwedeng ibigay nila ang theme na ipapaint tapos sa bahay nalang namin gawin.
Nakasalambak lang ako dito sa sahig ng room namin habang binabantayan ang mga nasa loob.
Hindi ko alam kung sino ang nag suggest ng Dora the movie na to. Hindi ako hater ni dora pero hindi ko lang talaga gusto ang movie na to ewan ko ba. May kanya kanya tayong taste.
Naramdaman kong may tumabi sa akin.
"whats the problem? Your frowning" kinilabutan ako sa bulong ni Aiden sakin ramdam na ramdam ko ang hangin na nanggagaling sa bibig niya. Ano ba to si Aiden lang naman ito.
"nothing" napalunok pa ako pagkatapos sabihin iyon. Hindi ko siya nilingon dahil feeling ko pag lumingon ako ay mag tatama ang mga labi namin. Bakit kasi ang lapit ng mukha niya.
" you sure"
"yes" hindi siya sumagot. Umayos lang siya ng upo niya. Naramdaman kong nagdikit ang braso namin." are you nervous" umiling ako, kahit ang totoo ay kinakabahan ko. Obvious bang kinakabahan ako. Oo kinakabahan ako sa laban hindi kay hunyango.
"ano oras competition mo?" tanong niya kaya nagkunot ang noo ko.
"why youre going to watch. Don't bother mabobored ka lang"
" i didn't say manonood ako im just asking"
"hindi ka naman pala manonood wag kana mag tanong"
"bakit gusto mo ba akong manood" kahit hindi ko nakikita alam kong naka ngisi siya.
" No ayoko" umiling pa ako. Mahina naman siyang tumawa.
" okay I'll watch" at umalis siya sa tabi ko. Ano bang problema niya. Nakakainis na.Nang matapos ang movie ay inayos ko na ang mga gagamitin ko para sa painting competition. Si Elaine, Dom at Warren lang ang kasama kong magpupunta sa art room si Pat kasi ay may laban pa susunod nalang daw siya.
"Goodluck Scarlet" ngumiti pa si Elaine.
"Galingan mo Scarlet ichecheer kita dito sa labas"
"naku Dom kahit wag mo na akong icheer" biro ko sakanya.
"Goodluck Scar. I know you'll win" pag checheer sa akin ni Warren. Nag thank you ako sa kanila at pumasok na sa loob.
Sila ay nanonood lang sa glass window. Hindi ko naririnig ang sinasabi ni Dom. Pero alam kong nakakahiya dahil nakayuko si Elaine. Napailing nalang ako.
"Good afternoon every one, you guys have 1 hour and 30 minutes to finish your work. The theme is dream. You guys can Start."
Dream? Hindi koi ne- expect. Akala ko climate change, global warming. Artificial intelligence ang theme. Well ganun naman kasi ang kadalasang theme.
Sandali muna akong tumulala at nag –isip . Dreams? Ang plain pag Dreams ko lang ang ipapaint ko.
Kinuha ko ang size four kong paint brush naglagay din ako ng tape sa gitna at sa bawat gilid. Sa taas ay nag paint ako ng ulap at isang bata na nakatingin sa ibaba. Ang ginawa ko sa baba ay tubig kung saan nakatingin ang bata. Pininta ko sa harap ng reflection ng bata ang isang babae na masayang naabot ang kanyang pangarap. Pinag masdan ko ang painting na gawa ko parang may kulang sobrang plain.
BINABASA MO ANG
Leading in Into You
RomanceAng gusto lang naman niya ay maiparamdam ang kanyang pasasalamat at pahanga sa isang lalaki. Ngunit hindi niya alam kung paano gagawin iyon. Kaya napagpasyahan niyang idaan nalamang ito sa isang sulat. Pero paano kung hindi napunta sa tamang tao ang...