Sinugdanan

57 5 0
                                    

"Crush mo pa din siya?" My cousin Natasya asked me. "Hindi ka nga pinapansin nun. Ibahin mo nalang ang crush mo."






"Oo nga, Ate. Alam mo, ang crush ay para lang yan sa elementary. Aabot lang ang crush ng mga two to three years kapag elementary student ka pa. Eh sa kaso mo, ga-graduate ka na sa pagiging senior highschool tapos grade 9 palang nung naging crush mo siya. Hindi ka naman gusto nun!" Saad din ng pinsan kong si Xandra kaya inirapan ko siya dahil sa sinabi niya.





Wala silang karapatan para pagsabihan ako kung sino ang dapat kong gustuhin. Ilang beses nilang pinapamukha sa akin na hanggang paghanga lang ako sa lalaking gusto ko pero I know in myself that it was more than that.





"Paano mo nasabi sa'kin yan? Mas matanda ako sa'yo ng isang taon ah," inis na sagot ko kay Xandra.





"Oo pero mas matangkad ako sa inyong dalawa."





"Lagi mo nalang ba pinagmamalaki yang height mo sa amin? Mapuputol din yan, Putol tayo eh." Natatawa namang usal ni Natasya.





"Anong problema mo sa apilyedo ko? Yan kaya ang pinakamagandang apilyedo ang narinig ko." Nakangisi namang sabat ng pinsan kong lalaki na si Jhyrel.





Kakarating niya lang dito sa canteen at tulad ng nakasanayan ay may dala na naman siyang porn magazine na sigurado akong tinatago lang niya kapag may nakikita siyang dumadaan na teachers.





"Kanina pa ang break natin ah? Bat ngayon ka lang?" I asked him but he just gave me his usual playboy smirked.





"Nag break na ba tayo? Aabot pa tayo ng years, Quira." Nakangisi niyang sabi sa akin at medyo kinilabutan ako. He always sounds sarcastic.





"Hoy, hindi naman nakakatawa ang mga jokes mo. Hindi ka nga krinash-back tapos hihiling kang aabot kayo ng years? Mag pinsan lang kayo oy, tanga!" Pang aasar naman ni Xandra kaya naging masama na ang tingin ni Jhyrel.





"I don't care." Jhyrel answered and looked at Xandra. "Alam mo Xandra Aisryl, isa kang stupid mother fucker! Panira ka ng mood ko! Version kita pero wala kang suporta sa akin. Yan ba ang mabuting pinsan ah? Wala naman na siyang pag asa sa crush niyang may girlfriend na. Eh ako? May bago na naman akong girlfriend."





"Kabahan ka nga sa sinasabi mo! Naninindig ang balahibo ko sa'yo eh," parang nandidiri namang tugon ni Natasya kaya mapait nalang akong napatawa.





"Oo nga saka isa pa, hindi naman natin alam kung sinong crush ng isang 'to!" Pinandilatan pa ako ng mata ni Xandra pagkatapos niyang sabihin 'yon kay Jhyrel. "Puro lang siya kwento na may girlfriend na daw yung crush niya, ni hindi nga natin kilala kung sino." Dugtong pa niya.





"Uuwi na ako." Tumayo na ako at aalis na sana ng hinigit ako bigla ni Jhyrel kaya napaupo ako ulit pero tumayo din ako ulit at hinarap sila. "Alam niyong pagagalitan na naman ako kapag nalaman ni Papa na magkasama na naman tayo."





"Bakit ba ganyan ang parents mo? Mag pinsan naman tayo ah. Ganyan ba talaga ako o kami o tayong lahat ka bad influence sa isa't isa?" Inis na saad ni Jhyrel at nakita ko pang nababuntong hininga yung dalawa.





Napabuntong hininga nalang ako at tinalikuran na sila at umalis na sa canteen. Ako ay isang klase ng anak na hindi gugustuhing maging anak ng kahit sinong mga magulang. Hindi ako matalino at mas lalong mas gusto kong kasama ang mga lalaki kong kaibigan at pinsan kaya lagi nilang iniisip sa akin na malandi akong babae at walang pangarap sa buhay.





Deep In A Heartbeats (Moon Onse #1)Where stories live. Discover now