Have you ever hate someone just because of their perspectives of own self?
Have you ever like unexpectedly? Like you promised to yourself that you won't like that someone because she's not really your taste and you already offended because she has so many boys back then for the mean time but you ended up thinking about that girl every night, wondering how would it be if you two are together, and how good it is if you'll reach your dreams together and having a family with that girl.
"Crush ka ni Natasya, Alam mo ba 'yun?"
Sinamaan ko ng tingin itong babaeng bigla nalang bumungad sa harap ko nang lumabas ako sa room. Kaibigan ata siya ng kaklase kong si Natasya. Hindi naman ako interesado sa kahit sino sa kanilang dalawa.
"Crush ka nga kasi ni Natasya, may magagawa ka ba?" Pangungulit ng babae. Ni hindi ko nga kilala ang pangalan niya.
"Wag mo nga akong sinusundan." I coldly said.
She still walking behind me. Papunta ako sa kabilang section dahil inutos ako ng adviser namin. Doon kasi ang next na magka-klase siya.
"Sa room ka namin pupunta? Ano gagawin mo dun?"
"Hindi ako sa Aries pupunta." Sagot ko sa section nila. Sa kabilang section naman talaga ako pupunta.
"Alam mo kung anong section ako?" Hindi ko siya sinagot. Napapansin ko lang na doon siya pumapasok.
Nalaman kong pinsan pala siya ng mga kaklase ko. Si Jhyrel, Natasya, Jaskim at Xandra. Sila 'yung mga maiingay sa klase namin. Si Natasya naman 'yung palaging sumasagot sa oral recitation kadalasan pa mali mali sagot niya. Si Xandra naman 'yung maingay kapag walang teacher at tahimik kapag meron na. Si Jhyrel naman 'yung palaging tumatayo at kahit saan saang upuan pumupunta kapag may nagkaklase sa harap habang si Jaskim naman 'yung labas pasok sa room. Inshort, para sa akin, sila 'yung mga mag pinsan na ginawang biro ang pag-aaral.
Nalaman kong Shaquira ang pangalan niya. Naging kaklase ko siya nang mag third year kami sa highschool. Mas lalo lang akong naiirita sa kanya.
Pero nawala din kaagad ang inis ko sa kanya nang pinapansin niya na ako. Lahat ng kaklase namin ay kaibigan niya at mas natuwa lang ako dahil ako lang ang nililibre niya. Lagi niya akong binibigyan ng hotcake saka 'maruya' tuwing recess. Pero natapos din 'yan nang bigla nalang niya akong hindi pinansin. She starting to ignored me without me knowing the reason why.
Nakita ko siyang nakikipagtawanan sa isa naming kaklase. Nasa lobby sila at nagtatakbuhan habang may hawak na walis tambo. Napakaharot niya. Yung tipong lahat ng nakikita niyang lalaki, nagpapa-cute kaagad siya. Hindi siya pabebe kung tumawa, napakalakas pa niyang tumawa. Minsan nag e-english tapos wrong grammar naman at may minsan pang kahit marunong naman talaga siyang magsalita ng english, sinasadya niya talagang magkamalali so that I can correction her in a not so nice way. Ang sarap niyang dalhin sa ibang planeta at ipakasal sa alien.
"May girlfriend na ba pinsan mo?" Dinig kong tanong Skyler kay Jhyrel. Naging mag kaibigan sila simula 2nd year. Hindi naman ako palakaibigan kung hindi ako inuunahan.
YOU ARE READING
Deep In A Heartbeats (Moon Onse #1)
RomanceMOON ONSE #1 The story of a young senior high students in their teenage days spending their youth. They draw a process of bulding a dream and friendship and wander about in search of love while maturing and realizing their youth dreams under the enc...