Nagmano ako kay Papa pero nagulat ako nang bigla niya akong sinampal.
"Sinong nagturo sa'yong mandaya? Naka-graduate ka dahil nandaya ka?" Sigaw niya sa akin kasabay ng pagsampal ulit sa akin ng diploma ko.
Nakita ko naman ang kapatid kong pababa lang ng hagdan at kaagad na hinawakan ang braso ko habang ako ay hawak hawak pa din ang mahapdi kong pisnge.
"Hindi mo ba naisip 'yong paghihirap ko? Yung mga bagay na ginagawa ko para sa'yo? Shaquira, nakalimutan ko ng anak kita!"
"H-Hindi naman po ako nandaya..."
"Sinungaling! Ikaw? Dean lister? Sinungaling! Tumigil ka na sa kahibangan mo, Shaquira! Malandi ka na nga, sinungaling at mandadaya ka pa!"
"Papa!" Humagulhol ako at hinilamos ang pisnge ko. "Hindi mo naman kailangang ipamukha sa akin na malandi ako, eh.. hindi mo din kailangang ipamukha sa akin na naghihirap ka.. nakikita ko naman 'yon!"
"Pero maipagmamalaki mo yang kalandian mo!"
"Papa, ni minsan ba.. tinanong mo ko.. kung okay lang ako? Kung maayos ba ako? Kumusta ba ako? Hindi ba ako nasasaktan sa mga sinasabi mo? Kung hindi ba ako pagod? Pa! Pagod na pagod na po ako..." Napaluhod ako dahil sa panghihina ng tuhod ko at hinilamos ulit ang mukha ko.
"Ang drama mo! At may gana ka pang sabihin sa akin 'yan? Ang kapal ng mukha mo!"
"Oo, Papa!" I sarcastically laughed. "Sabihin niyo na lahat sa akin! Malandi ako, wala akong pangarap! Matino lang akong tignan pero malandi ako literal! Papa, lahat lahat 'yon.. kabisado ko na 'yon! Hindi na po 'yon nawawala sa isip ko! B-Bakit hindi niyo po ako pinapakinggan? Ganyan ba talaga kababa ang tingin mo sa a-akin?"
"Oo! Kasi hindi ka marunong mahiya sa sarili mo! Hindi ka nga umuuwi dito!" Papa shouted kaya napapikit ako sa gulat.
Pagdating sa kanya, ang bilis bilis kong umiyak. Pagdating kay Papa, masakit lahat.
"Papa... anak mo ako, eh..." halos pabulong kong sabi.
Galit pa din ang mga tingin ni Papa sa akin kahit kitang kita ko sa mga mata niya na pinipigilan niya lang ang umiyak. Kilala ko siya, eh, alam ko kapag nasasaktan siya. Pero gumuho ang mundo ko nang nakita ko kung gaano niya pinunit ang diploma ko ng paulit ulit at tinatapak tapakan sa sahig ang mga nahulog nitong pira-piraso. Nakita ko pa ang pangalan kong buo pa rin pero hindi na tulad ng dati dahil tinapakan niya na 'yon. Napunit na din ang apilyedo ko. Hindi na buo.
YOU ARE READING
Deep In A Heartbeats (Moon Onse #1)
RomanceMOON ONSE #1 The story of a young senior high students in their teenage days spending their youth. They draw a process of bulding a dream and friendship and wander about in search of love while maturing and realizing their youth dreams under the enc...