12

7 5 0
                                    


MOON ONSE




Saida Natasya Putol: Let's end our friendship here.


Chaeun Pole Putol: What the fuck?


Skiedyl Jayjorz Curvado: Buang ka na ba, Natasya?


Jhyrel Kester Putol: Dahil ba to kay Qui? Mag move on ka na.


Jaskim Articulos Putol: Hindi dahil sinisi ka ng parents ni Skyler ay sisisihin mo din si Shaquira.


Bella Grasya Salazar: Hindi naman ata pwede yan, Saida. Pag-usapan natin ng maayos to. Okay naman na si Skyler. Ano pa ba problema mo?


Saida Natasya Putol: Wala akong problema. Si Shaquira ang problema dito. Ano pa bang silbi? She leave the role play world. Mag online kayo sa rp, makikita niyo ang death farewell message niya.


Sevaschyan Man Putol: Saida, ano ka ba! Respeto naman! She still our cousin. Ba't ka ba nagkakaganyan?


Xandra Aisryl Putol: Do you want her to apologize to you? Wag kang mag expect. Sa Tatay nga niya, hindi siya nag so-sorry, sa atin pa kaya.


Chaeun Pole Putol: Saida, Nasaan ka? Mag usap tayo. Pupunta ka ba sa hospital? Sasamahan kita.


Messiah Drake Alde left the group.



Napabuntong hininga nalang ako sa mga nabasa ko sa group chat. Until now hindi pa din ako makapaniwala na nasasabi 'yon sakin ni Natasya. I love her and she's my cousin pero nakakasakit na siya.



I still trying to not think about it kaya bumangon nalang ako sa pagkakahiga at naligo na. Pupuntahan ko si Skyler ngayon sa hospital at buti nalang wala dito sina Mama at Papa at nasa trabaho. Yung nag-iisang kapatid ko naman syempre tulad ng nakasanayan, wala dito at kasama ang barkada tapos may minsan pang sumasama siya kay Sevaschyan sa paglalaro ng basketball kung saan saan kaya ako lang mag isa dito sa bahay.  Walang kasama.



Pagkatapos kong maligo at magbihis ay umalis ako kaagad ng bahay bandang ala una ng hapon. Hindi pa ako nakikita ni Mama at Papa ngayon dahil umuwi ako ng wala na sila sa bahay at pumasok sa trabaho. Hindi nila ako hinanap kagabi dahil wala silang pakealam sa akin.



Pagkarating ko sa hospital ay dumeretso kaagad ako sa room kung saan siya na-confine. Papasok na sana ako nang may narinig akong nag-uusap sa loob. Binuksan ko lang ng maliit ang pinto upang makita kung sino ang nasa loob at si Drake ang una kong nakita. Nandun din si Natasya at Xandra pati si Kuya Pole, Sevaschyan, Jhyrel, Grasya, at Jaskim. Si Skiedyl lang ang wala.



"Maayos na akong kinausap ni Tita Bing kanina." I heard Natasya said talking about Skyler's mother. "She apologized and I also apologiz—"

Deep In A Heartbeats (Moon Onse #1)Where stories live. Discover now