"Hindi ko na naman nakita sina Mama at Papa. Kapag ganito, magagalit na naman sila." I told Drake.
He just gives me his comfort smile.
"Sumakay ka na. Pupunta na tayo sa bahay para mag ayos ka na." sabi niya lang sa akin.
Sinundo niya ako dito sa bahay at katulad ng nakasanayan, hinintay niya ako dito sa kanto at ngayon naman ay pupunta na kami sa bahay nila. Pagkatapos ng inuman namin kagabi, wala akong maalala kundi 'yung city lights at ang buwan. 'Yun lang. Hinatid din naman ako ni Drake dito mga bandang alas tres ng umaga pero nasa kwarto na ako nang dumating sila Mama kaya hindi nila ako nakita tas pag gising ko, nasa trabaho na naman sila.
Nang nakarating na kami sa bahay nila ay bumaba na kaagad ako sa motor pagkatapos niyang i-park ang motor niya sa gilid lang ng bahay nila at saka kami sabay na pumasok sa loob.
"Hi, Shaquira!" Mama Delynn greeted me.
"Magandang hapon, Mama." Bati ko din pabalik at nagmano sa kanya at sumunod naman na nagmano si Drake kay Mama Delynn at hinalikan niya din ito sa noo at pisnge.
"Mama? Wow. Ganyan lang lagi ha?" Malaking ngiting sabi ni Drake.
"Saan po si Papa?" I asked.
"Umalis siya." Si Angel ang sumagot na kakalabas lang ng kwarto niya. "Kanino ako sasakay, Kuya? Hindi naman tayo kasyang tatlo papunta sa New Dawn kapag motor lang. Ang pangit kaya kapag nag commute ako tapos ang ganda ng dress ko!" Angel pouted.
"Sa New Dawn Hotel pala i-held ang prom?" I asked.
"Oo, Ate. Ang yaman ng Capitol, noh?" sagot sa akin ni Angel. "Baka kayo ang may-ari ng Capitol, Ate ha? Kunwari lang na Capitol pero ang totoo baka Caputol talaga 'yon?! Para kunwari lowkey ang pamilya niyo pero mayaman naman talaga in real life. Baka naman may pinagtataguan lang kayo, Ate?" natatawang sabi ni Angel.
"Ang lalim ng imagination mo!" Drake teased. "Pinilit akong pahiramin ni Artemis ng sasakyan. Hindi ko naman sinabi sa kanya. Pinilit niya ako." dugtong pa nito.
"Ang bait naman ng kaibigan mo, anak." Si Mama Delynn.
"Yun ba yung sasakyang nakaparada sa labas? Bangeg! Pinagkakaguluhan 'yon ng mga ignorante mong kapatid!" sambit ni Angel.
Nakaramdam ako ng kuryente sa buong katawan ko nang biglang hinawakan ni Drake ang palapulsuhan ko kaya kunot noo akong tumingin sa kanya.
YOU ARE READING
Deep In A Heartbeats (Moon Onse #1)
RomanceMOON ONSE #1 The story of a young senior high students in their teenage days spending their youth. They draw a process of bulding a dream and friendship and wander about in search of love while maturing and realizing their youth dreams under the enc...